^

Punto Mo

Hindi nagbibiro si Digong sa corrupt at buhong!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MALIWANAG ang  mensahe ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga presidential appointee na tumatanaw siya ng utang na loob sa mga ito pero, hindi nangangahulugan na puwede nila itong abusuhin at magiging disadvantage naman para sa  gobyerno.

Sinibak ni Digong si Sugar Regulatory Administrator Ana Rosario Vecera Paner dahil sa pagbibigay nang malalaking suweldo at allowances na umaabot sa P200,000.00 kada buwan sa mga kinuha nitong mga consultants sa tanggapan ng SRA na ikinainis ng Presidente. Dating nanungkulan bilang Executive Chief ng Victorias Milling Co. si Paner bago pumalit kay Regina Martin bilang SRA Administrator noong Nob. 25, 2016.

Kahit hindi naman matatawag na isang anomalya ang ginawa ni Paner, naging kalabisan naman ito sa pananaw ni Digong. Mantakin mo nga naman na mas malaki pa ang suweldo ng mga consultants sa sinasahod ng Presidente na umaabot lang sa P160, 924.00. Oo nga naman!

Hindi naman nakalimutan ni Digong ang mga nakatulong noong eleksyon kaya lang, ayon sa kanya, hindi dapat abusuhin ito dahil pag-aari ng sambayanan ang gingastos nila at marami ang mga naghihirap na Pilipino. Noon pa lamang Marso 2017 ay umabot na sa 92 ang mga sinisibak niyang kawani ng gobyerno na sangkot sa corruption na kinabibilangan ng mga opisyal ng BIR, BOC, LTO-LTFRB, NIA, NFA, PNP  at ang pinakahuli ay itong SRA. Patuloy ang ginagawang pagbalasa at pagsibak ni Digong sa mga buhong na empleyado at opisyales sa mga kagawaran ng gobyerno at umaasa ang bayan na ipagpapatuloy ito alinsunod sa pangako niya noong kampanya na zero tolerance on corruption and abuses.

Ang slogan ni Erap noon na “Walang kumpare, kaibigan at kamag-anak” ay naging palasak na biro na lamang, pero ginawa ito ni Digong nang sibakin niya sa puwesto ang sarili niyang mga appointee kahit kumpare pa sila at nakatulong sa kampanya. Natatandaan naman ng bayan sina NIA Administrator Peter Lavina, DILG Sec.  Mike Sueno, Immigration officers Al Agrosino at Michael Robles at si Usec Chiara Halmen Valdez na mga malalapit kay Digong pero sinibak niya! Sino kaya ang susunod?

May mga Presidential appointees din na tulad nina  DAR Sec. Rafael Mariano at DSWD Judy Taguiwalo ang nasibak kahit na wala namang nakabalot na anomalya sa kanilang panunungkulan. Ang tanging  naging dahilan ay hindi sila nanombrahan ng Commission on Appointments na binubuo ng mga mambabatas na diumano’y hindi naging maganda ang dating ng dalawa sa pananaw ng grupo ng CA sa kanila, kaya walang dapat na ikasama ng loob ang mga kasamahan nila kay Digong sa mga nangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with