^

Punto Mo

Nutrition program ng San Juan, humakot ng awards!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HUMAKOT ng walong awards ang city government ng San Juan nitong nakaraang 2017 National Nutrition Awarding cere­mony kaya hindi nakapagtataka kung nakangiti si Mayor Guia Gomez nang buong linggo. Kung sabagay, sanay na si Gomez na tumanggap ng awards mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno subalit naiiba itong patungkol sa nutrition dahil isang bugso lang ito. Kasama na sa award ay ang pagpili ng National Nutrition Council ng siyudad bilang first runner up ng siyudad sa Outstanding LGU in Nutrition Program. Noong 2014 at 2015 ay kulelat ang nutrition program ng San Juan at puro recognition lang ang inani nila. Subalit dahil sa pagsisikap ni Gomez dahan-dahang naisulong ang mga alituntunin patungkol sa nutrition, hindi lang para sa mga sanggol kundi maging sa kani-kanilang nanay, at nagbunga naman ang kanyang paghihirap. Siyempre, lalong pag-ibayuhin pa ni Gomez ang nutrition program ng siyudad para sa susunod na taon ay hahakot uli sila ng award, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!

Ang mga iginawad na award sa San Juan ay ang LGU with Continuous Improvement in Nutrition Program Management, Best LGU in Documentation, Best LGU in Resource Generation and Mobilization, first runner-up Outstanding Barangay in Nutrition Program Management (Barangay Onse Nutrition committee), Outstanding Barangay Nutrition Scholar of San Juan City (Nenita Robles), San Juan Nutrition Committee for Active City in Regional Nutrition Activities and Most Active City Nutrition Action Officer Award (Dr. Rosalie Sto. Domingo). Hak hak hak! Sa sobrang dami ng awards, iigsi na lang ang espasyo ko ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Siyempre, natuwa si Gomez dahil sa tatlong termino niya, ito lang ang unang pagkataon na humakot ang liderato niya ng mga award. May natatanggap ding awards ang liderato ni Gomez sa ibang programa pa ng gobyerno subalit mas marami itong sa nutrition program. Sana tuluy-tuloy na itong tagumpay ni Gomez, di ba mga kosa? Hehehe! Ika nga sa matandang kasabihan, “Pag me itinanim, may aanihin.”

Si Domingo mga kosa ang assistant city health officer at acting city nutrition officer na naging katuwang ni Gomez para mapaunlad ang nutrition program ng siyudad. Ayon kay Gomez, para maging malulusog ang mga bagong panganak na sanggol at kanilang mga nanay, minabuti niyang iprayoridad ang nutrition program imbes na ang itinutulak ng gobyerno na breastfeeding. Ang budget ng nutrition program ng siyudad noong 2015 ay dinagdagan ni Gomez ng limang doble at ang lahat ng stakeholders ay pinakilos niya para isulong ang mga programa ng City Nutrition Council (CNC). At dahil sa full support ni Gomez, nakatuon ang pansin ni Domingo sa pagpapaunlad ng nutrition ng mga sanggol at pati na ang problema sa obesity o katabaan. Kasama sa proyekto ng CNC ang “Galing at Gandang Ginang ng San Juan (3G) club, mga non-government organizations (NGOs), hospitals, academe at ang business sector. Hak hak hak! Ang hirap naman tipain nito mga kosa! Sanay kasi ako sa puro pulis kaya hilung-talilong ang Supalpal sa ganitong tema. Mabuti naman ito at napraktis ako. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Sana masundan ito! Tumpak!

Kaya ‘wag kayong magtaka kung ma-monitor n’yo mga kosa ang zumba exercises sa mga barangay sa San Juan dahil kasama ‘yan sa nutrition program ng CNC. Nagpasa rin ng mga ordinansa ang City council para giyahan at direktahan ang mga barangay na maglaan ng P50,000 budget para sa kani-kanilang nutrition program. Kaya dahil maganda ang samahan ng mga stakeholders sa nutrition sa San Juan, tiyak hahakot na naman sila ng award sa susunod na taon, di ba mga kosa? Dapat tularan ng iba pang lugar sa bansa ang ginagawa ni Gomez para maging malulusog din ang mga sanggol at nanay nila at mailayo sa sakit. Hahaha! Pinawisan din ako rito ah. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with