Maglingkod nang tapat
August 19, 2017 | 4:00pm
Sa lahat ng saglit at tuwi-tuwina
Mga empleyado’y dapat na masaya
At kung naglilingkod sa mga kasama
Dapat nakangiti laging masaya
Sa utos ng mayor nitong ating lungsod
Ang panuntunan niya’y dapat na masunod
Lahat ng kawani dito’y naglilingkod
Dapat magpakitang huwara’t masinop
Tumawa ka lamang kahit may problema
Tiyak problema mo’y agad mawawala
Pag nakasimangot ka’y ikaw ang kawawa
Pagka’t maghapon mo’y masamang masama
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended