^

Punto Mo

Orthorexia

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang uri ng eating disorder na kung tawagin ay ORTHOREXIA. Kailan lamang ito natuklasan. Ito ay bale pinsan ng sakit  na anorexia at bulimia na nagmumula sa maling paniniwala tungkol sa pagkonsumo ng pagkain.

Kung ang may anorexia ay hindi kumakain, ang isang taong may orthorexia ay kumakain naman pero sobra siyang obsessed sa mga calories, vitamins, at iba pang nutrients ng mga pagkaing ipapasok niya sa kanyang bibig.

Kailangang ang kanyang kakainin sa bawat meal ay may representasyon sa bawat food groups o food pyramid. Kapag nalaman niyang kulang sa nutrients ang kanyang pagkain o kaya’y may ingredients na sa pagkakaalam niya ay masama sa katawan ay hindi na niya ito kakainin. Bawat minuto ay nakapokus ang kanyang isipan sa mga pagkain na may bitamina at mineral. Kumbaga OA na siya sa concern sa kung ano ba ang pagkaing mabuti sa katawan. Para bang ikamamatay niya kung hahaluan ng konting taba ng baboy ang kanyang pagkain. Kahit sabihin mong isang patak na taba ng baboy ang inihalo mo sa kanyang pagkain ay puwede niyang ikagalit.

Ano ang palatandaan ng may orthorexia?

Lagi niyang binabasa ang food labels ng pagkaing bibilhin niya.

Ang kinakain niya ay pagkaing sigurado niyang masustansiya.

Hindi siya kumakain ng niluto ng ibang tao. Siya lang ang dapat magluto ng kanyang kakainin.

Lagi niyang pinupuna o pinipintasan ang paraan ng pagluluto ng ibang tao. Siya na lang ang mahusay at marunong magluto ng pagkaing masustansiya.

Bukambibig niya ang mga nutrients ng mga pagkain. Mga bitamina at mineral na nakukuha sa pagkain.

Laging nag-aalala na ang nakain niya ay may ingredients na makasasama sa katawan.

Pinoproblema ang tamang schedule ng pagkain niya sa maghapon.

Conscious siya paano ang tamang pagnguya  ng pagkain at ilan bang beses ngunguyain ang pagkain.

Nagkakaroon ng masamang epekto ang orthorexia sa relasyon sa ibang tao. Maiinis ang ibang tao sa kanya dahil magiging pakialamera na siya sa eating habit ng kanyang mga kaibigan. At wala na siyang alam pag-usapan kundi bitamina, mineral at kung anu-ano pang nutrients ng pagkain. Magmumukha na siyang luka-luka sa mga kaibigan kaya ang tendency ay layuan na siya ng mga ito. Isang kaibigan o kapamilya ang dapat magpayo na kailangan na niya ang professional help.                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with