^

Punto Mo

Kahit takot sa kontaminasyon bayan sa Belgium nagluto ng dambuhalang torta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bayan sa Belgium ang nagluto ng 10,000 itlog upang masunod ang kanilang higit dalawang dekadang tradisyon ng pagluluto ng dambuhalang torta taon-taon.

Ito’y sa kabila ng takot ng mga taga-Malmedy, Belgium na kontaminado ng nakakalasong kemikal ang mga itlog sa Europe.

Milyun-milyon na kasing mga itlog ang inalis na sa mga pamilihan sa pangambang naapektuhan ang mga ito ng insecticide na fipronil, na ipinagbabawal sa mga pagkain dahil maari itong magdulot ng pagkalason at pinsala sa organs ng mga tao.

Hindi naman alintana ito ng daan-daang dumalo sa pagtitipon sa Malmedy at malaki ang kumpiyansa ng isa sa mga nag-organisa ng pagluluto na si Benedicte Mathy na ligtas kainin ang mga itlog na ginamit nilang sangkap.

Kaya naman sa gitna ng matinding sikat ng araw ay niluto ng “The World Fraternity of Knights of the Giant Omelette” ang dambuhalang torta. Ang nasabing grupo, na itinatag noon pang 1973, ay kalipunan ng mga mahihilig sa torta.

Bukod sa itlog ay may halo ring bacon ang torta, na ipinamahagi sa mga taong dumalo sa malakihang pagluluto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with