^

Punto Mo

Bukod sa asukal at bisyo, isali na ang sabungan!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MAY katwiran ang gobyerno na patawan ng karagdagang buwis ang mga produkto na nagiging dahilan ng pagkakasakit ng tao tulad ng softdrinks, candies, 3 in 1 coffee na mayaman sa asukal dahil nakakapagdulot ito ng maraming uri ng sakit. Una na rito ay pinatawan na rin ng mataas na buwis ang mga inuming alak at sigarilyo dahil malaki ang nagugugol ng government hospitals sa pagbibigay ng  libreng pagpapagamot sa mga pasyenteng nagkakasakit dahil dito. Malaking bahagi ng pondo mula sa buwis ng mamamayan ang napupunta sa panggagamot sa mga pasyenteng may diabetes, sakit sa puso at sakit sa baga. Imbes nga naman na maipanustos ito sa edukasyon at proyektong pambayan ay napupunta lamang ito sa mga nagkakasakit dahil sa bisyo.

Nakapagtataka nga lamang kung bakit ang mga espesyal na mga produktong pagkain at gamot na para sa mga manok na panabong ay hindi yata napapansin ng mga kongresista natin. Malaki ang nagagastos sa milyong bilang ng mga manok panabong na ipinalalahi ng breeders at ibinebenta sa malaking halaga lalo na ang mga isinasali sa mga bigtime derby. Mas mahalaga yata sa kanila ang manok kaysa tao?

Marami sa mga kongresista ang nagmamay-ari ng mga breeding farms at ang ilan ay may sarili pang mga sabungan ang kilala sa ganitong industriya, kaya marahil hindi ito binibigyan ng pansin. Libo ang bilang ng mga sabungan at laksa-laksang bilang ng mga panabong na manok at milyon ang halaga nang  ginugol sa pag-aalaga pa lamang nito, hindi pa kasali ang ipinupusta na tanging ang nagmamayari ng sabungan lamang ang nakikinabang nang malaki sa porsiyento mula sa mga pusta.

Kung pag-iibayuhin lamang ng gobyerno na pag-aralan kung saan maaaring humugot ng salaping buwis para makatulong sa mga mag-aaral at pagpapagamot sa mahihirap na Pilipino, isa na ito sa dapat pagtuunan ng pansin nang ating mga mambabatas.

Ang mga gate receipts sa mga sabungan ay dapat na itaas na rin at dapat ding bantayan ng Games and Amusement agency ng gobyerno upang ma-discourage ang mahihilig sa sabong na mga mahihirap na mga obrero. Hindi ito magiging batas na sisikil sa karapatan ng mga mahihirap, bagkus ay makakatulong pa ito sa bawat pamilyang Pilipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with