^

Punto Mo

EDITORYAL - Siguruhing ligtas ang karneng manok

Pang-masa
EDITORYAL - Siguruhing ligtas ang karneng manok

PARA patunayang ligtas kainin ang mga karne ng manok at itlog, kumain ng fried chicken, fried itik at balut si Agriculture Sec. Manny Pinol kasama si Pampanga Vice Governor Dennis Pineda. Noong Miyerkules, dalawang grupo naman ng mga magmamanok sa Pampanga ang harap-harapang kumain ng pritong manok at balut sa isang press conference. Ito ay para patunayan na ligtas kainin ang manok at itlog na galing San Luis, Pampanga.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, nasa 200,000 manok sa San Luis, Pampanga ang apek­tado ng outbreak. Tanging ang San Luis lamang ang nakitaan ng bird flu at ginagawa na ang lahat nang paraan para hindi kumalat ang sakit. Noong Martes, maraming manok, ibon, itik at iba pang katulad ang pinatay upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Pagkatapos, patayin, inililibing ang mga manok at iba pang hayop na nangingitlog.

Pinaniniwalaang noong nakaraang Abril pa ku­malat ang virus sa mga poultry o layers farms sa San Luis pero nitong Agosto lamang nadiskubre makaraang mag-inspeksiyon ang government experts.

Sinisikap ng Agriculture department na ang lahat nang manok mula sa San Luis ay hindi makakalusot sa merkado. Ganunman, sinabi ng DA na karamihan sa mga farm sa San Luis ay hindi nagpo-produce ng karne kundi pawang itlog lamang. Sinisiguro ng DA na ang mga kalapit na bayan ng San Luis na mayroon ding poultry farms ay hindi mahahawahan ng bird flu.

Kahit na lantaran ang pagpapakita nang pagkain sa fried chicken, fried itik at balut para ipakitang ligtas kainin, dapat pa ring siguruhin ang kaligtasan ng mga ito. Siguruhin na walang makakalabas na poultry products mula San Luis na tinamaan ng bird flu. Mabuti na ang nag-iingat.

Nararapat namang magbantay ang Department of Trade and Industry (DTI) para huwag makapagsamantala ang mga tusong negosyante. Tiyak  na may magtataas ng presyo ng karneng manok lalo pa ang nagmula sa mga hindi tinamaan ng bird flu. Bantayan ang mga ganid na negosyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with