^

Punto Mo

Dahil sa pagsi-selfie ng babae museum sa Los Angeles, Napinsala, worth $200,000 ang na-damage

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAIPAMALAS ng isang babae sa Los Angeles kung gaano kalaki ang pinsalang puwedeng maidulot nang pagsi-selfie matapos niyang aksidenteng mapinsala ang isang buong hanay ng mga likhang sining sa isang museum doon para lamang makakuha ng magandang litrato ng kanyang sarili.

Hindi na kinilala ang babae, ngunit kitang-kita sa CCTV ang pagpuwesto niya malapit sa mga exhibit sa loob ng 14th Factory Museum upang makakuha ng magandang selfie.

Nakuhanan din sa video ang sandaling napakapit siya sa isa sa mga pedestal matapos siyang mawalan ng balanse. Natumba ang pedestal sa mga katabi nitong pinagpapatungan ng mga art exhibit dahilan upang magkaroon ng domino effect sa isang buong hanay.

Ayon sa tagapagsalita ng museo, tatlo sa mga iskultura nila ang lubusang nasira samantalang bahagyang napinsala naman ang iba. Aabot daw sa $200,000 (katumbas ng P10.1 milyon) ang halaga ng kabuuang pinsala na dahil lamang sa pagse-selfie ng babae.

Marami naman ang kumuwestiyon kung totoo ang pangyayari at marami ang naghihinalang isa lamang itong publicity stunt upang makakuha ng atensiyon mula sa publiko.

Pinabulaanan naman ito ng museo lalo na’t hindi biro ang oras na ginugol ng mga artist sa paglikha ng nasirang artworks.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with