^

Punto Mo

Amoy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG aking kakilalang lalaki ay dating malinis sa katawan pero sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng putok. Pagkaraan ng ilang taon, nanlalaki ang kanyang misis. Sabagay, noon pa naman ay may kalandian na ang misis nito, pero narinig ko minsan sa isang umpukan na ang isang dahilan kung bakit nawalan ng gana si Misis sa aking kakilala ay dahil sa putok nito. Ang comment ko naman, kung mahal niya ang kanyang mister, bakit hindi niya ito tinuruang maglinis ng katawan sa halip na maghanap ng bagong lalaking aamuyin.

Number one ang kalinisan sa katawan kaysa physical appearance. Matitiis mo bang yakapin at halikan ang super handsome guy pero ang amoy ay panis na sibuyas at ang bibig niya ay tila nag-transform sa pagiging tumbong dahil amoy utot ang isinisingaw nito. 

Sa isang news website tungkol sa Pinoy showbiz, nabasa ko na ang isang magandang artista ay may halitosis kaya raw hiniwalayan ng kanyang boyfriend at ka-love team. Ang halitosis ay hindi kasinggrabe ng cancer, bakit kaya hindi niya ito maipagamot, tutal, marami naman siyang pera. Kung halitosis lang naman ang magiging hadlang para makahanap ng kaligayahan, aba, kahit pa maubos ang kanyang kinikita sa pag-aartista, ipagamot niya ang kanyang halitosis, pronto!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with