^

Punto Mo

Ang buo babakbakin, ang sira, ayaw gawin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Halos araw-araw nang bumubuhos ang mga malakas na pag-ulan, kaya naman madalas masumpungan ang mga biglaang pagbaha sa ibat-ibang dako partikular sa mga lugar sa Metro Manila.

Konting ulan lang baha na!

Ganyan kalaki ang kinakaharap na problema sa pagbaha sa bansa.

Problema na sa trapik, problema pa ang baha.

Bukod sa mga baradong kanal at estero, isa pa sa naki­kitang dahilan ng pagbaha ay ang mga nagiging sagabal sa lansangan, katulad ng mga hindi na matapus-tapos na mga paghuhukay.

Kapansin-pansin na sangkaterba ang  mga proyekto lalu na nga ng DPWH ang  nabibitin ang paggawa.

Eto ha, kung kailan tag-ulan doon maraming project hukay at repair.

Hindi naman nila mamadali ang gawa.

Ang siste pa bukod sa mga hukay ihahambalang pa sa masisikip ng daan ang mga gamit sa paggawa. Walang pakialam sa mga motorista, kahit sila ay makaabala.

Baka naman hindi na namomonitor at sinisilip man lang ng mga DPWH officials ang kanilang mga proyekto at ang mga kontraktor na nagbabagal sa trabaho.

Hindi nga malaman sa mga ito, kung bakit kagagawa lang ng daan, huhukayin na naman, naku ang daming ganyan. Kahit maayos pa ang kalsada, yung ang gustong-gustong bakbakin at gawin, habang ang mga lugar na nangangailangan na ng repair o konstruksyon, yun ang hindi pinapansin.

Hindi lang DPWH project , maging ang mga proyekto ng mga local government na konstrukyon sa mga kalsada, ganyan din ang nakikita.

Ang buo na wawasakin, ang sira ayaw gawin ! Bwisit!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with