^

Punto Mo

Mag-asawang 17 taon nang hindi magkaanak, nabiyayaan ng sextuplets

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LABIMPITONG taon nang sumusubok magkaanak ang mag-asawang Adeboye at Ajibola Taiwo kaya naman laking gulat nila nang mabiyayaan sila sa wakas.

Sa halip kasi na isang supling lang ay anim kaagad ang naging anak ng mag-asawang mula Nigeria ngunit naninirahan na ngayon sa United States.

Noong Nobyembre nalaman ng mag-asawa na nagbubuntis si Ajibola matapos ang halos dalawang dekada ng paghihintay.

Ang akala nila ay quadruplets lang ang ipinagbubuntis ni Ajibola ngunit matapos ang isang follow-up checkup ay nalaman nilang anim pala ang nasa sinapupunan niya.

Malaking paghahanda ang isinagawa para sa paglabas ng sextuplets. Hindi kasi madali ang pagluluwal ng anim na sanggol kaya kinailangan ng 40 katao na sumailalim sa pagsasanay upang masiguradong magiging ligtas ang pa-nganganak ni Ajibola.

Inabot ng 30 linggo ang pagbubuntis ni Ajibola at pagsapit ng 8:26 a.m. noong May 11 ay ipinanganak niya ang anim na magkakapatid. Dahil premature ay nanatili muna sa ospital ang mga sanggol samantalang si Ajibola ay na-discharge na matapos ang isang linggo.

Naglalaro sa 1 lb. 10 oz hanggang 2 lb. 15 oz ang timbang ng anim, na binubuo ng 3 lalaki at 3 babae.

Pambihira ang pagkakaroon ng sextuplets. Noong 2015 kasi kung kailan nasa 4 na milyon ang ipinanganak sa US ay nasa 24 lang ang ipinanganak bilang quintuplets o pataas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with