^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagpatuloy, opensiba sa Maute group

Pang-masa
EDITORYAL - Ipagpatuloy, opensiba sa Maute group

MAGIGING “malupit” siya sa mga terorista. Ito ang sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte makaraang ipatupad ang martial law sa Mindanao noong Martes. Kamay na bakal ang ipatutupad niya para lubusang maubos ang Maute group sa Marawi City. Hanggang sa kasalukuyan, hawak pa ng mga terorista ang isang pari at ilang church workers. May mga sibilyan na walang awang pinatay ng mga terorista.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) palapit na sila nang palapit sa kinaroroonan ng Maute. Mahigit 20 terorista na umano ang napapatay ng military mula nang magsimula ang bakbakan. Tatlong sundalo at dalawang pulis naman ang naiulat nang namatay. Kahapon din, walang patlang ang  pambobomba ng mga eroplano at helicopter sa mga lugar na pinagtataguan ng Maute. Ayon sa report, kabilang sa mga napatay ang anim na foreign Jehadists,

Nakikita na ang katotohanan sa sinabi ni Duterte na magiging “marahas” siya sa mga terorista. Ipinakikita na ng military ang bangis sa pakikipaglaban sa Maute. Nagdagdag pa ng puwersa ang AFP para ganap nang masukol ang mga terorista. Bantay-sarado rin ng Philippine Coast Guard ang baybayin sa Marawi. Sinisiguro na hindi makakatakas ang mga miyembro ng Maute. Desidido na ang military na tapusin na ang pakikipaglaban sa Maute. Wala nang makakapigil pa para sa patuloy na opensiba. Wala nang atrasan laban sa mga terorista.

Nararapat lamang na ituluy-tuloy na ang pakikipaglaban para hindi masayang ang pagdedeklara ng martial law. Ang ingatan lamang ng AFP ay may madamay na sibilyan. Hikayatin na umalis ang mga sibilyan sa kanilang tirahan bago magsagawa ng air strike. Kaawa-awa ang mga tatamaang sibilyan o ang mga bata. Hindi sila dapat madamay sa pakikipag-laban sa mga terorista. Mas masarap ang tagumpay kung walang madadamay na inosente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with