^

Punto Mo

Lalaki sa Indonesia,‘best friend’ ang 400-pound bengal tiger

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SAMPUNG taon na ang nakakaraan nang maging taga-pag-alaga si Abdullah Sholeh ng isang 3-buwang tigre at simula noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

Ito’y kahit pa lumaki na ang tigre na ngayo’y 400 pounds ang bigat. Sa katunayan nga ay magkasama pang natutulog ang dalawa sa kulungan ng mabagsik na Bengal tiger.

Ibinigay ang tigreng si Mulan Jamillah sa isang Islamic school sa Malang, Indonesia at naatasang maging caretaker nito ang noo’y 25 anyos pa lang na si Sholeh. Hindi na kasi maalagaan ng dati niyang may-ari ang tigre kaya ipinamigay na lang ito.

Pansamantalang trabaho lang dapat para kay Sholeh ang pag-aalaga kay Mulan ngunit naging full-time na rin ito nang lumaon at lalo na noong napamahal na siya sa tigre.

Ngayon ay buong araw na niyang kapiling si Mulan, na nagmamaktol daw kapag siya ay wala.

Sanay na rin siyang makipaglaro dito, bagama’t batid pa rin niya ang panganib ng pakikisalamuha sa isang mabangis na hayop. Patunay nito ang mga kalmot na kanyang natanggap mula sa pakikipag­laro kay Mulan.

Pinapakain raw ni Sholeh ang kanyang alaga ng 6 na kilo ng karne ng manok o kambing ngunit ang paborito raw nitong kainin ay ang instant noodles.

Ipinahayag naman ni Sholeh na kahit isang dekada na ang pagkakai-bigan nila ni Mulan ay mas malapit pa raw sila ngayon sa isa’t isa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with