^

Punto Mo

EDITORYAL - Tiyakin na walang aabuso sa martial law

Pang-masa
EDITORYAL - Tiyakin na walang aabuso sa martial law

SABI ni Pres. Rodrigo Duterte, maaaring abutin ng 60 days ang imposition ng martial law pero maaari pang humaba depende sa nangyayaring krisis. Kung tatagal daw ng isang taon ang nangyayaring krisis, ganundin tatagal ang martial law. Kung isang buwan lang at tapos na ang krisis sa Marawi e di isang buwan din ang martial law.

Isang taon man o humaba pa rito ang itatagal ng martial law dahil sa ginagawa ng mga terorista ay walang kaso basta ang tiyakin ng Presidente ay hindi aabuso ang mga sundalo. Kapag umabuso ang mga sundalo at pinairal nila ang batas ng baril, dito magkakaroon ng kaguluhan. Sino ba naman ang hindi mababalisa kung ang mga sundalo ay gagawa nang pagmamalabis na walang pinagkaiba sa martial law ni Ferdinand Marcos noong 1972. Noong una, walang reklamo ang mamamayan sa martial law ni Marcos sapagkat tumahimik naman ang bansa pero nang tumagal na, nagpakita na ng kahayupan ang mga sundalo at maraming tumimbuwang na sibilyan sa mga talahiban.

Mabuti ang martial law para mapanatili ang katiwasayan sa bansa pero kapag ginamit na ito sa pansariling kapakanan, dito na magsisimula ang pagkaligalig ng mamamayan. Ang pangamba ay nasa kanilang dibdib na tuwina. Laging may alalahanin na anumang sandali ay maaaring damputin o arestuhin.

Nangako naman si Duterte na hindi aabuso ang military sa pagdedeklara niya ng martial law. Tanging sa Maute Group at Abu Sayyaf lamang magiging harsh ang martial law. Kailangang mapangalagaan ang bansa at ang mamamayan kaya dineklara ang martial law. Sabi ng Presidente, wala siyang choice kundi ang martial law.

Hindi masisisi ang mamamayan kung matakot sa martial law. Matagal nang naghatid sa kanila ng takot ang 20-taon ng martial law ni Marcos. Sana nga, kakaiba ang martial law niya kaysa kay Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with