^

Punto Mo

Mighty Corp. talo sa southern Metro?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGTAYO na ng draw court ang Happy Cool Games and Amusement Corp., sa Bayanan, Muntinlupa City. Ipinamalita ng kampo ng Happy Cool na mag-umpisa na sila sa kanilang expanded Small Town Lottery noong nakaraang Lunes subalit walang sumama sa kanila. Kaya ayaw ng mga kubrador na sumama sa Happy Cool sa kadahilanang wala pa silang license to operate at business permit galing sa opisina ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi. Bago makapagsimula, kailangang ipaskil ng Happy Cool ang permit to operate at business permit galing kay Fresnedi sa loob ng draw court nila, di ba mga kosa? Dito kasi sa draw court bobolahin ang winning combination ng STL at siyempre magiging transparent ang operation nila dahil nakatingin o nanood ang mga kubrador dito. ‘Yan ay para maiwasan ang akusasyon na niloloko o dinadaya ng Happy Cool ang kanilang mga parukyano. Sa ibang probinsiya kasi, ang gamit para bolahin ang winning combination ng STL ay ang bolilyo pa rin na gamit din sa jueteng kaya umusbong ang akusasyon na STL-teng. Hehehe! Kunyari pa malinis itong mga bataan ni Pres. Digong subalit corrupt din, di ba mga kosa?

Nagdala ang grupo ni Emeng Macasaet ng draw machine doon sa draw court sa Bayanan. Ang napuna lang ng mga kosa ko luma itong draw machine at hindi bago tulad ng inaanunsiyo ng gobyerno ni Digong. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kosa ko na itong draw machine nina Macasaet ay ‘yaong gamit sa Bicol sa laro na Perya ng Bayan. Dahil walang tumatangkilik sa laro na ito, ibinebenta na lang ito sa halagang P300,000 noon subalit walang pumatol kasi hindi naman uso ang Perya ng Bayan sa Metro Manila. Halos ang lahat ng kubrador sa southern Metro Manila ay tinakot na ng tropa ni Macasaet subalit walang gustong sumama sa kanila. Bakit? Kasi nga mga kosa, ang iniisyu na ID sa kanila ay peke at hindi galing sa ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa ng STL. Sa pananakot ng tropa ni Macasaet, ipinagyayabang nila na sa Office of the President sila o direkta kay Sec. Evasco. Nakausap na rin daw nila ang kapatid ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa. Hehehe! Ano ang pakialam ng kapatid ni Bato dito sa STL?  Puro name dropper pala ang tropa ni Macasaet. Boom Panes! Kung legal naman itong Happy Cool eh di maglatag sila ng negosyo nila, di ba mga kosa? Hehehe! Naamoy siguro ng mga kubrador na dadayain din ng Happy Cool ang mga mananaya nila kaya’t ayaw nilang sumama sa kanila.

Habang tumatagal, natatalo ang Happy Cool dahil marami na silang nagastos subalit hindi pa nakapag-umpisa ang kanilang negosyo. Kung tumatabo na ang metro ng Mighty Corp., sa Pangasinan, Batangas at Bicol region, aba sa southern Metro Manila puro labas ang pitsa nila. Alam naman nang marami na ang nasa likod ng operation ng Happy Cool ay ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’82 at ang financier nila ay ang Mighty Corp. Kung nagbayad na ang Mighty Corp. ng 30 percent ng P79 milyon na bond ng STL, aba malaking pitsa na ang inilabas nila dahil kasama pa rito ang 25 percent tinatawag na authorization fee na hindi refundable sa financier. Hehehe! Malaki na ang natatalo sa Mighty Corp. habang lumilipas ang panahon, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang kumakalat naman na balita mga kosa pinag-sub contract ng Happy Cool ang kanilang prankisa sa STL at itong tropa ni Macasaet ang huling nabiktima nila. Panay naman raid ng pulisya ng mga pasugalan sa SPD area subalit hindi ito naging daan para samahan ng mga kubrador ang Happy Cool sa legal na negosyo nila. Bakit kaya gusto pa ng mga kubrador at mananaya ang ilegal na sugal imbes na ang STL? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with