^

Punto Mo

‘Sinibak dahil sa karsunsilyo…’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY mga pasaway na kompanya na patuloy ang pag­labag sa karapatan ng kanilang empleyado kaya naman pina­igting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng proteksiyon ng mga manggagawang Pilipino.

Subalit may mga pasaway din na empleyado na kung minsan ay bunga lamang ng kamangmangan kaya natanggal sa trabaho.

Katulad nitong isang binata na lumapit sa Kilos Pronto noong nakaraang linggo. Dahil sa kanyang brief, nasibak siya sa trabaho.

Sa isang outing na pinangasiwaan ng kanyang kumpanya, nagawang mag-brief ng binata dahil nagkatuwaan daw silang magkakatrabaho habang nagsu-swimming.

Wala raw kasi siyang dalang swimming trunks noong mga oras na iyon, kaya nang makantiyawan ng mga kasamahan ay nagpaunlak naman siya. Wala naman daw mga kasamahang babae noong siya ay nagkarsunsilyo lamang.

Ang siste, isang linggo ang nakalipas ay basta na lamang siya sinibak ng Human Resources Manager ng kompanya nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Nakakatawa ano? Pero eto ang lumabas sa aming imbestigasyon: Una, finish contract na ang binata at ayaw na siyang i-renew ng kompanya dahil sa kanyang ginawa.

Pangalawa, ipinadala umano ang notice sa kanyang agency na hindi na ito interesado sa kanyang serbisyo.

Ikatlo, ayon sa kumpanyang nakausap mismo namin ni Tol Erwin sa ere, may nakakitang mga katrabahong babae, nalaswaan sa brief este sa kanyang pagsusuot lamang ng karsunsilyo at nagreklamo sa HR Department.

Sa panig naman ng DOLE, company prerogative ang ganitong usapin. Kesehodang hindi ito oras ng trabaho subalit mga kasamahan mo at kumpanya mismo ang nagpasinaya ng okasyon. 

Tinatayang misconduct ang nakitang isyu ng kumpanya laban sa binata subalit paalala ng DOLE, ang mga ganitong kaso ay kinakailangan ding dumaan sa due process.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang kompanya  at dapat na kuhanin ang salaysay ng dalawang panig bago ito tuluyang i-terminate ang huli.

Ang punto, tapos na naman ang kontrata ng binata at nagdesisyon na ang kompanyang hindi na muling kunin ang kanyang serbisyo.

O ikaw na empleyadong nagbabasa nito, mag-iingat ka na sa isusuot mo sa anumang okasyon ng inyong kumpanya.

Baka masibak ka rin dahil sa masakit sa mata ang iyong kasuutan este hindi kaaya-aya para sa mata ng publiko!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with