^

Pang Movies

Pelikula nina Liza at Enrique tumabo na ng P200 million!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Dapat na nga bang mag-decide si Liza Soberano na sumali sa beauty contest sa edad na 19?

Susuportahan daw siya ng kanyang perennial love team at rumored boyfriend na si Enrique Gil kung sakaling sasabak sa beaucon ang aktres.

Naniniwala rin si Quen (pet name ni Enrique) na may beauty queen potential si Liza.

Bukod kasi sa magaling itong magsalita, ‘di maikakailang siya ay maganda, well-shaped and dignified in appearance.

Pero ayon na rin mismo kay Liza, hindi pa siya handang sumali sa mga patimpalak.

Ang kanya raw prayoridad sa ngayon ay ang kanyang showbiz career pati na ang kanyang pag-aaral.

Determinado siyang makatapos ng isang college course.

Samantala, kagaya ni Quen at ni Direk Cathy Garcia-Molina, overwhelmed din siya sa big success ng kasalukuyang ipinalalabas na movie nila na My Ex and Whys.

Especially because as of Friday, they were told na na-hit na nito ang P200 million na kita.

Kasalukuyan pa ring palabas ang My Ex and Whys na production ng Star Cinema sa 300 thea­ters nationwide.

Angel at Marian bff na

Back to her old measurements, kumbaga, si Marian Rivera.

Kaya anytime soon ay babalik na rin siya sa kanyang trabaho.

This is aside, of course, sa personal niyang pag-aaruga sa anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

Samantala, friends nga raw talaga sila ngayon ni Marian, ani Angel Locsin.

Si Marian pa raw ang tumawag kay Angel when the magazine featuring both of them on the cover came out.

Did we hear it right na pareho rin silang nag-eendorso ng produkto para sa mga babae?

Jona at Jericho may pagkakapareho

Noong ni-revive ni Jona ang awiting Pusong Ligaw na nilikha at ni-record ni Jericho Rosales, doon lamang nadiskubre ni Jona na magkababayan pala sila ni Echo.

Pareho silang Bicolano. Tubong Catanduanes si Jericho, samantalang taga-Pio Duran naman sa Albay si Jona.

Pusong Ligaw din ang magiging title ng bagong series na pangungunahan nina Diego Loyzaga at Sofia Andres at si Jona ang inatasang kumanta ng theme song nito.

Kasama rin ang Pusong Ligaw sa mga awiting featured sa unang album ni Jona sa Star Records.

Pawang original songs daw ang nasa album, ayon sa producers ng self titled album na ito ni Jona na sina Jonathan Manalo at Patty Mayoralgo.

Kabilang dito ang kanyang Matibay na ang ka-duet niya ay walang iba kungdi ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez.

May duet din sila ni Gary Valenciano, ang I’ll Never Love This Way Again.

Ni-launch ang album kahapon, February 25 sa vista Mall sa Taguig at magiging available ito sa March 3.

Bayani tuwang-tuwa kay Karla

Proud na proud si Bayani Agbayani dahil nana­lo bilang best comedy show sa Gawad Tanglaw ang programa nila ni Karla Estrada na Funny Ka Pare Ko, na ipinalalabas tuwing Sabado sa CineMo ng ABS-CBN.

Ang ganda raw talaga ng rapport nila ni Karla bilang comedy team.

Bale ba, ang gagaling din daw ng mga co-star nila ni Karla sa said program, kabilang na si Jason Gainza.

Maggi-guest din si Bayani sa sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na Home Sweetie Home.

Dalawa raw sa hinahangaan niya bilang fellow Kapamilya sina JLC at Toni. Ito rin bale ang unang pagkakataon na makatrabaho niya ang dalawa.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with