^

PSN Showbiz

Miss Earth Angelia Ong umaming nagtampo na nasapawan ng panalo ni Pia

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Miss Earth Angelia Ong umaming nagtampo na nasapawan ng panalo ni Pia
Miss Earth 2015 Angelia Ong

SEEN: “Princess” ang pangalan na nasabi ni Winnie Cordero sa guesting kahapon ni Prince Stefan sa Umagang Kay Ganda.

SCENE: Hindi tama na ikumpara ni Prince Stefan ang work ethics sa ABS-CBN at GMA-7. Natupad ang pangarap ni Prince na maging artista dahil sa Kapuso Network.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos Concio ang kanyang 61st birthday. Maraming magagandang pangyayari sa buhay ni Charo nang maging senior citizen dahil nagkaroon siya ng mga product endorsement at nanalo ng award sa ibang bansa ang kanyang comeback movie, Ang Babaeng Humayo.

SCENE: Ang first shooting day kahapon sa Cavite City ng Bhoy Intsik, ang bagong indie movie ng direktor na si Joel Lamangan. Mga bida sa Bhoy Intsik sina Ronwaldo Martin at RS Francisco.

SEEN: Ang magkasunod na premiere kahapon ng The Escort ng Regal Entertainment, Inc. sa Trinoma Cinema, 5 p.m. at SM Megamall Cinema, 8 p.m. Lead actors ng The Escort sina Lovi Poe, Derek Ramsay, at Christopher de Leon.

SCENE: Binigyan ng importansya ang billing ng pangalan ni Jean Garcia sa mga bagong publicity material ng The Escort. Above the title at “with the special participation of Miss Jean Garcia” ang billing ng pangalan ni Jean na may mainit na love scene kay Derek Ramsay sa The Escort.

SEEN: Epic fail ang one-piece green swimsuit ni Miss Philippines Kylie Verzosa sa swimsuit competition ng Miss International 2016 na ginanap kahapon sa Tokyo, Japan. Bakat at parang private part ng lalaki ang pribadong bahagi ng katawan ni Kylie.

SCENE: Naging matapat si Miss Earth 2015 Angelia Ong sa pag-amin na iniyakan niya ang pagwawalang-bahala sa tagumpay niya noong nakaraang taon nang masapawan ito ng mga balita tungkol sa panalo ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe. Dapat tanggapin ni Angelia na higit na prestigious ang Miss Universe kesa sa Miss Earth kaya hindi nangyari ang inaasahan niya na ticker tape parade at courtesy call kay ex-President Noynoy Aquino.

vuukle comment

ANGELIA ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with