^

PM Sports

Arum na-impress kay Pacquiao

BITAG - Abac Cordero - Pang-masa
Arum na-impress kay Pacquiao
Nagpakita ng mga muscle si Manny Pacquiao.
Abac Cordero

LOS ANGELES – Nasa ringside si Bob Arum at pinanood ang anim na rounds na sparring ni Manny Pacquiao para sa Nov. 5 showdown niya kay Jessie Vargas sa Las Vegas.

Gusto ni Arum na personal na malaman kung paano mag-ensayo si Pacquiao, nagtatrabaho bilang senador at boxer, matapos ang training camp niya sa Pilipinas.

Napaulat na lumiban si Pacquiao sa kanyang training sessions dahil sa sipon at pamumulikat sa kanyang mga binti na ikinabahala ni Arum.

Nawala ang mga ito sa Wild Card Gym.

Nakipag-usap si Arum sa press bago siya umalis ng gym sa Hollywood at isang bagay ang tiniyak sa paghaharap ng 37-an-yos na si Pacquiao at ng 27-anyos na si Vargas sa Thomas & Mack Center.

“This fight is ending in a knockout,” wika ni Arum.

“There’s no fooling around. Vargas knows how to fight. One way or the other one guy is going to be standing,” dagdag pa nito.

Nakipag-spar si Pacquiao kay Ray Beltran para sa una niyang gym session sapul nang dumating dito sa L.A. noong Sabado ng gabi.

Nasa Maynila si Arum noong Agosto kung saan kauupo pa lamang ni Pacquiao bilang senator at naghahanda para sa kanyang comeback fight.

Nag-alala si Arum sa bagong papel ni Pacquiao bilang isang senator na maaaring makaapekto sa kanyang pagiging boxer dahil sa kanyang legislative duties na mas mabigat kesa noong siya ay congressman.

“To tell you the truth, I was (worried) -- until I saw him today. He’s in good condition if not better than I’ve ever seen,” wika ni Arum.

Ang Top Rank chief ay sinamahan sa gym nina matchmaker Bruce Trampler at Academy Award winner William Friedkin.

Nang matapos ang sparring ay ipinakilala ni Arum ang 81-anyos na si Friedkin, isang American film director, producer at screen writer, kay Pacquiao.

Saglit na nag-usap sina Pacquiao at Friedkin, nanalo ng Academy Award bilang Best Director para sa kanyang 1971 film The French Connection at pinuri sa kanyang 1973 project na The Exorcist.

Ang drug problem sa Pilipinas ang isa sa mga napag-usapan nina Pacquiao at Friedkin na nagsabing, “That’s our problem, too.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with