^

Kutob

Oktubre 26, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Ang nagtitiwala ay hindi nanga­ngamba. Ito ang gagawin ko, dahil batid kong hindi nakakatulong sa buhay ko ang pagwo-worry.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magandang balita dahil mapapasakamay ang impormasyon na matagal nang gustong malaman. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay o salita lamang, kundi ipinapakita sa kilos at gawa. Paglabanan ang kapusukan upang maiwasan ang naka-ambang kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 40 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang mag-ingat ay dapat laging isipin sa lahat ng bagay. Huwag nang lumayo ng tingin dahil ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa harapan o nasa paligid lamang. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 28 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pakinggan ang kutob ng kalooban nang hindi magkamali sa pagdedesisyon. Maging positibo. Isipin na kahit ano ang gawin, maging matatag at tagumpay ang matatamo. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan, magsimula na. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May sasalungat sa binabalak subalit ang mabilis na pag-iisip at lakas ng kamalayan ang magwawagi. Matutong igalang ang opinyon ng iba. Mananaig sa isipan ang pamamasyal o paglilibang kasama ang ilang kaibigan. Pero papasok pa rin sa trabaho dahil sa tawag ng tungkulin.  Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 32, 41 at silver.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay ng sigla sa pag-ibig. May posibilidad na mahirapan sa pagtupad sa ipinangako. Panatilihin ang kahinahunan sa malalantad na pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 23, 33 at dirty white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan dahil kapahamakan ang naghihintay. Kailangan ang disiplina sa sarili upang makamit ang minimithi. Iwasan ang padalus-dalos sa pagpapasiya. Magkakaroon ng pagkakataon na maiangat ang hirap ng kalagayan sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at white o dirty white.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung anuman ang hinihintay, huwag nang asahan dahil malabong darating. Iwasan ang magalit na siyang maaaring ikataas ng presyon. Mag-ingat sa pagkaing mahirap tunawin. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaasahan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 15, 24 at honey yellow.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang marunong magpahalaga sa tungkulin ay may kaunlaran sa buhay at dapat simulang gampanan ng maayos. Malulutas ang matagal nang gumugulong suliranin. Ang kasipagan ay siyang puhunan sa tagumpay, na dapat panatilihin nang hindi pagsawaan.  Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang panahon ay ginto, kaya dapat kumikilos kung ano ang magandang iniisip o gawin. Bagamat tinatamad, matutuwa kang makita na natapos ang mga gawain. May ilang mga bagay na dapat isaayos na mangangailangan ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 32, 41 at garnet red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Matatapos ng maayos ang mga gawaing sinimulan. Huwag kaagad-agad magbigay ng reaksyon sa pangyayari. Dapat lamang na alamin muna ang pinagmulan. May balitang matatanggap na siyang magbibigay sigla. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Hindi matatapos ang problema kung hindi haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang hayaan at iwasan ang suliranin. Isang lihim ang hindi sinasadyang matutuklasan. May palatandaan patungo sa katuparan ng hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at peach.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Suriing mabuti ang landas na tinatahak para hindi maligaw o mawala. Isang bagong pag-ibig ang sisibol, kaya lang mag-ingat at baka sa hindi tamang nilalang ito maiukol. Ang negosyo ay magiging matumal subalit makakabawi sa dara­ting na mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 28 at cherry red.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with