^

Punto Mo

Lipulin ang mga ‘tulak’ ng shabu

PULSO NG MASA - Pang-masa

Naniniwala ako na tutuparin ni president-elect Rodrigo Duterte ang pangakong lilipulin ang mga nagtutulak ng shabu sa buong bansa. Kung ano ang ginawa niya sa Davao City noong siya pa ang mayor ay ganundin ang gagawin niya sa buong bansa. Isang drug-free Philippines ang kanyang pangarap.

Nababahala po ako sa paglaganap ng illegal drugs sa kasalukuyan na pati mga menor-de-edad ay nalululong na. Isang halimbawa nang paglaganap ng illegal drugs ay ang nangyaring insidente sa concert sa parking area ng mall sa Pasay City kung saan limang party-goers ang namatay. Inatake sa puso ang mga biktima. Sa lumabas na pagsusuri sa mga kabataang nakaranas ng paninikip ng dibdib at nahirapang huminga, iyon ay dahil sa nilaklak na droga. Nakita sa pagsusuri sa mga kabataan ang pinaghalu-halong droga --- shabu, ecstacy at cocaine. Ang mga kabataang nagpositibo sa pagtake ng droga ay edad 12 at 15.

May mga anak din po akong kabataan  at natatakot ako na baka pati sila ay maging biktima ng drug traffickers. Baka masira rin ang kanilang buhay.

Sa pag-upo ni President Duterte, dapat nang isagawa ang paglipol sa mga salot na drug traffickers.

Salamat po. — P. L. CRUZ, J. P. Rizal, Makati, [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with