^

Punto Mo

‘President Denial syndrome’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ETO na naman! Nagsalita na naman ang papaalis nang mama sa Palasyo. Talagang sinusulit at ninanamnam ang natitira niyang 33-araw sa puwesto.

 Ayaw niyang tanggapin at pilit itinatanggi sa kanyang sarili kasama ng sangkaterba mga trapong dilaw na ayaw na sa kanila ng tao.    

Nanawa na sa kanilang uring pangangasiwa at pamamahala. Sa sobrang dismayado ng tao umabot na sa pagka-desperado at nawalan na ng pag-asa sa administrasyong Aquino.  

 Kaya up to the last minute para lang mapagtakpan ang kanilang kakulangan at mga kamalian ayaw pa rin tumigil ni outgoing Pres. BS Aquino.

 Ang kanyang patuloy na pinagdidiskitahan si Sen. Bongbong Marcos na anak ng umano’y diktador.

 Ayon kay PNoy, huli na raw nilang nalaman na maraming kabataan ang naliligaw ng landas.  

 Kaya raw sila ‘nawawala’ dahil naniniwala sila sa mga sinasabi at pahayag ni BBM lalo na sa social media. Hinggil ito sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong panahon ng martial law.   

 Kulang na lang sabihin ni PNoy, sangkaterbang bobo ang mga kabataan na walang kakayahang mag-isip at mag-analisa.  

 Kahit saang anggulo ‘loser’ talaga ‘tong si PNoy. Sa lahat na lang laging may dahilan para lang makalusot at makapagturo ng sisi. Tsk…tsk!  

 Mawalang-galang lang, Mr. President, tumahimik ka na lang kasi. Bumaba ka na dyan sa Malakanyang!  

• • •

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with