^

Punto Mo

Sasakyan ng isang lola sa Amerika, dalawang araw hinabol ng 20,000 bubuyog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PAUWI na ang 68- taong gulang na si Carol Howarth mula sa pamamasyal nang mapansin niyang mayroong mga nakiangkas sa kanyang sasakyan nang hindi niya nalalaman.

Nakita na lang niya na pinuputakti ng 20,000 mga bubuyog ang likuran ng sasakyan at lahat ng ito ay hinanahap ang kanilang reyna.

Na-trap pala ang reyna ng mga bubuyog sa loob ng sasakyan ni Howarth kaya pinutakti ito ng 20,000 niyang mga tagasunod. Sumaklolo ang mga lokal na tagapag-alaga ng mga bubuyog kay Howarth sa pamamagitan ng pag­huli sa mga bubuyog na nakakapit sa kanyang sasakyan. Ilan pa nga sa kanila ang nakagat ng mga ito sa kanilang ginawang paghuli.

Ngunit bumalik din ang mga bubuyog kinabukasan kaya kinaila-ngan ulit nilang hulihin ulit ang mga ito.

Maaring nakaa-moy ang reyna ng mga bubuyog ng matamis mula sa loob ng kotse ni Howart kaya pumasok ito sa pamamagitan ng mga siwang ng kotse ni Howarth. Hindi na ito nakalabas kaya naman sinundan ito ng 20,000 ng kanyang mga bubuyog.

Ibinalik ang mga nahuling bubuyog sa kanilang natural na ta-hanan samantalang hindi na nahanap kung saan napunta ang reyna ng mga bubuyog na pumasok sa loob ng sasakyan ni Howarth.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with