^

Punto Mo

EDITORYAL - Wakasan na ang contractualization

Pang-masa

TATLONG presidentiables  ang tuwirang nagha­yag na tatapusin na nila ang contractualization ng mga manggagawa sa sandaling sila ay maupo sa puwesto. Sinabi nila iyon sa huling debate na ginanap sa University of Pangasinan noong Linggo. Wala nang end of contract (Endo) kapag ang tatlong presidentiables --- Rodrigo Duterte, Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago ang nahalal sa Mayo 9.

Matatag ang sabi ni Grace Poe sa “Endo” na hindi ito makatarungan at nagbibigay ng agam-agam sa mga manggagawang contractual. Inaalisan umano ng karapatan ang manggagawa sa kanilang security of tenure at mga benepisyo. Sabi ni Miriam, hindi lamang labag sa batas ang contractualization kundi ito ay unconstitutional kaya dapat itong alisin. Sabi ni Duterte, pinapatay ng contractualization ang skills ng manggagawa. Ang contractualization ay dapat lamang sa mga mauunlad na bansa at hindi sa Pilipinas.

Ang dalawang presidentiables na sina Jejomar Binay at Mar Roxas ay hindi malinaw kung pabor ba silang tuluyang alisin ang “endo”. Hindi sila kinakitaan nang mabagsik na pasya ukol sa contractualization.

Alinman kina Duterte, Poe at Santiago ang mahalal, tiyak nang swak sa basurahan ang contractualization ng manggagawa. Ito ay kung tutuparin nila ang pangako at tututukan ang isyung ito kapag sila ay nasa Malacañang na. Kung hindi nila ito gagawin, maraming manggagawa ang maghuhuramentado.

Ang contractualization ay ipinagbabawal alinsunod sa Security of Tenure­ clause ng Konstitusyon.  Ipinagbabawal din ito sa Article 280 ng Labor Code na nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay “necessary” o “desirable” sa negosyo ng employer, siya ay itinuturing na  regular na empleyado.

Wakasan ang contractualization. Ipalasap sa mga manggagawa na meron silang karapatan na ma­ging regular na empleado alinsunod sa batas. Huwag namang biguin sa kanilang pinapangarap ang mga manggagawa lalo na ang mga nagtatrabaho sa mala­king mall at department stores.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with