^

Punto Mo

Businesswoman mula Australia, tatakbuhin ang 7 disyerto sa loob ng 7 linggo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babaing negosyante mula sa Australia ang tatakbuhin ang pitong disyerto sa loob lamang ng pitong linggo bilang bahagi ng kanyang adbokasiya laban sa napipintong water crisis na kinakaharap ng buong mundo.

Ang pagtakbo sa pitong disyerto ang napiling paraan ni Mina Guli upang mabigyang pansin ang kakulangan ng tubig sa iba’t ibang parte ng mundo. Nag-aalala kasi siyang hindi ito masyadong nabibigyang pansin sa kabila ng pagiging malalang problema nito.

Sa ngayon, apat na ang disyertong kanyang natatawid sa pamamagitan lamang ng pagtakbo. Natawid na niya ang Tabernas Desert sa Spain, ang Arabian Desert, ang nagyeyelong disyerto na matatagpuan sa Antarctica, at ang Simpson Desert sa Australia. Sa susunod na tatlong linggo ay tatakbuhin naman niya ang Karoo Desert sa South Africa, ang Atacama Desert sa Chile, at ang Mojave Desert sa Amerika.

Nakamamangha ang ginagawang pagtakbo ni Guli dahil sinabihan na siya dati ng mga doktor na hindi na siya muling makakatakbo matapos siyang magkaroon ng back injury mula sa isang aksidente. Hindi naman siya nawalan ng loob dahil nag-ensayo siyang mabuti sa kabila ng payo ng mga doktor. Nagbunga naman ang kan­yang pagpupursige dahil bukod sa nagawa niyang makatakbo muli ay nagawa rin ni­yang lumahok muli sa mga kumpetisyon.

Ngayon ay ginagamit ni Guli ang kakayahan niya sa pagtakbo upang makuha ang atensyon ng buong mundo sa problema ng kakulangan sa tubig na hinaharap ngayon ng milyun-milyong tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with