^

Punto Mo

Maglabasan na ng baho

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI pa raw handa ang mga Pilipino sa mga masasakit at lantarang batikusan ng mga kandidato sa 2016 elections.

Halimbawa kasi sa US ay harap harapan at lantaran ang pagbatikos sa isang kalabang kandidato at maaring magpalabas ng political advertisement na tumutukoy sa mga kapalpakan o kasong kinakaharap.

Ang mga Amerikanong kandidato kasi ay puwedeng maglabas ng political ads na direktang banat sa kalabang kandidato pero dito sa Pilipinas ay hindi pa raw ito tanggap.

Ang mga political ads kasi ay mismong ipinagawa ng mga kandidato sa Pilipinas upang iangat ang sarili at ilatag ang kanyang plataporma.

Mas magandang harap-harapan na lang ang batikusan kaysa naman patalikod na nagbibirahan at nagtatapunan ng putik o gumagamit pa ng ibang tao para manira sa kalabang kandidato.

Mas maigi na nga siguro ay maglabasan na ng baho ang mga kandidato lalo na ang mga aspirante sa pagkapangulo upang malaman ng mga botante.

Maaring magpagawa ng political ads ang isang kandidato na magdedetalye sa kapalpakan at kinakaharap na kaso bastat tiyakin lang na hindi ito paninira o gawa-gawa lamang upang siraan ang katunggaling pulitiko.

Mas masama pa nga ang nangyayaring diskarte ngayon ng ilang kandidato dahil may isang presidential candidate lumilitaw na nagmula sa kanyang kampo o tagasuporta ang nagpagawa at nagbayad ng political advertisement na negatibo yun pala ay para magpaawa sa publiko na siya ay inaapi at ginagawa ng masama ng kalaban.

Dapat ay malantad sa publiko ang nasabing presidential candidate na ibinibintang sa kalaban ang paglalabas daw ng negatibong political ads pero sila rin naman ang may gawa.

Sana naman ay pag-isipang mabuti ng mga botante ang pagpili ng ihahalal na kandidato dahil anim na taon ang mawawala sa ating lahat kapag sumablay tayo sa pagboto sa mga nagsisilbing lider ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with