^

Punto Mo

EDITORYAL - Paano iiwas sa Zika virus

Pang-masa

NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) sa pagkalat ng Zika virus. Pangdaigdigan na ang kanilang panawagan para makapag-ingat at maging alerto ang bawat bansa sa pagkalat ng sakit na dala ng lamok na Aedes aegypti na nagdadala rin ng dengue. May surveillance na sila sa mga bansang maraming kaso ng Zika virus at mahigpit ang kanilang monitoring.

Magkahawig ang sintomas ng Zika virus sa dengue. Mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pagkakaroon ng mga pantal sa katawan, pananakit ng ulo, mapupulang mga mata at masakit na kasu-kasuan.

Pero mas matindi ang dulot ng Zika virus sapagkat apektado ang mga ipinagbubuntis na sanggol. Kapag nakagat ng lamok ang inang buntis, magkakaroon ng neurological disorders at brain malformation ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Sa kasalukuyan, marami nang kaso ng Zika virus na naitala sa Latin American countries.

Pinakamataas ang kaso sa Brazil kung  saan, ang mga sinisilang na sanggol ay abnormal ang itsura — maliit ang ulo at may pinsala ang utak. Binibigyang babala ang mga kababaihan sa Brazil na huwag munang magbubuntis para maiwasan ang pagkakaroon ng abnormal na sanggol. O kung buntis, umiwas sa mga lugar na infested.

Ang Department of Health (DOH) naman ay patuloy ang pagpapaalala sa mamamayan mag-ingat sa Zika virus at unang-unang dapat gawin ay maging malinis sa kapaligiran para walang matirahan ang mga lamok na may virus. Ayon kay DOH Sec. Janette L. Garin, ang kalinisan ang pangunahing paraan    para maiwasan ang mga sakit na hatid ng lamok.

Itapon ang mga basyong lalagyan na naiistakan ng tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok. Huwag bigyang pagkakataon na dumami ang mga lamok. Sugpuin ang mga ito, bago pa makapaghatid ng sakit at ikamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with