^

Punto Mo

Sampaguita (148)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG puknat ang ginawang pagtakbo ni Sampaguita. Nasa isang resort pala sila. Buhangin ang kanyang natapakan. Hindi siya dapat sa tabingdagat tumakbo dahil madali siyang makikita ni Levi. Kapag nakita siya ni Levi, tiyak na papatayin siya nito. Nadiskubre na ang plano nika ni Sir Manuel. At pati si Sir Manuel ay ipinapapatay na rin nito. Narinig niya na isang Banjo ang tinawagan nito.

Kailangan ay sa kakahuyan siya magtungo para hindi makita ng mga humahabol. At isa pa, sanay siya sa kakahuyan. Noong nasa Bgy. Susong Dalaga pa siya, sanay siyang maglakad sa ilalim ng mga malalagong kahoy.

Sa halip dumeretso, kumaliwa si Sam at tinungo ang makapal na kakahuyan. Kapag nasa loob na siya ng kakahuyan, mahirap na siyang makita ni Levi at mga tauhan nito. Pero nagtataka siya kung bakit wala siyang nakitang bantay sa paligid ng inokupang bahay. Baka biglaan ang pagdadala sa kanya.

Binilisan pa ni Sam ang pagtakbo. Nasa palad niya ang mga mutya na ipinagkaloob ni Lola Rosa. Tama ang sabi ni Lola Rosa, kapag hawak niya ang mga mutya ay inilalayo siya sa panganib. Nagiging malinawa ang kanyang pasya at hindi siya napapagod sa pagtakbo. May kakaibang kapangyarihan ang mga mutya na hawak niya. Tama ang kanyang Lola Rosa. Bakit ba ngayon lamang niya naalala ang mga mutya? Sana ay hindi na siya nadala pa rito ni Levi. Sana ay hindi siya nabulag sa pagpapakita nito nang magandang ugali kuno. Saglit siyang nawala sa sarili dahil sa pinakita ni Levi. Akala niya, pag-ibig ang nadama niya. Salamat sa mutya.

Haggang sa makarating sa ilalim ng kakahuyan si Sam. Ipinasya niyang magpahinga muna. Malayo na naman siya sa bahay na pinanggalingan. Hindi na siya masusundan ni Levi.

Sumalampak siya ng upo sa ilalim ng isang puno. Humihingal siya pero hindi naman napapagod.

Inilagay niya sa bag ang mga mutya. Pagkaraa’y dinukot ang cell phone sa bag.

Tinawagan niya si Sir Manuel.

Sumagot ang matanda.

“Hello Sir Manuel, si Sam po ito!’’
“Sam? Ikaw nga Sam! Nasaan ka?’’

“Narito po ako sa isang resort na hindi ko alam ang pangalan. Dito po ako dinala ni Levi. Nakatakas po ako.’’

“Salamat sa Diyos at nakatakas ka,” sabi ng matanda na parang nabuhay ang pag-asa. “Hahanapin ka namin, Sam!”

“Sir Manuel, mag-ingat ka. Mayroong nagtatangka sa iyong buhay. Isang nagngangalang Banjo ang papatay sa’yo. Sinusundan ka na po nila.’’

“Salamat sa babala iha. Mag-iingat ako.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HELLO SIR MANUEL

HINDI

KAPAG

LEVI

LOLA ROSA

MGA

NIYA

SIR MANUEL

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with