^

Punto Mo

Tunay na kahulugan ng SONA

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT alam ng Malacañang kung ano ang tunay na kahulugan ng State of the Nation Address (SONA) ng presidente.

Kakaiba kasi ang narinig sa SONA ni P-Noy noong Lunes.

Obligasyon ng isang presidente na magsagawa ng SONA dahil itinatadhana ng ating konstitusyon.

Paliwanag ng ilang eksperto sa batas, ang SONA ay pamamaraan upang direktang ipaalam sa House of Representatives at Senate ang tunay na kalagayan ng bansa.

Wala kasing kapangyarihan ang mga senador at kongresista sa mga implementasyon ng proyekto at pagpapatupad ng mga programa sa gobyerno na laan sa kapakanan ng taumbayan.

Normal lang naman na ilatag ang accomplishments ng isang presidente kung meron man para malaman ng taumbayan ang nagawa ng pinuno ng bansa.

Pero kailan kaya maririnig sa presidente na ihahayag din sa SONA ang mga kapalpakan at mga pangakong hindi natupad.

Kailangang deretsahan ang mga pahayag ng presidente sa mga tunay na problema ng bansa upang makatuwang ang mga kongresista at senador  sa paglutas nito sa pamamagitan ng pagsasabatas.

Bukod kay P-Noy, madalas ding marinig sa mga nakaraang presidente sa kanilang SONA ay pawang accomplishments at pagyayabang lang pero walang umaamin sa kapalpakan at mga pangakong hindi nagawa.

Bagamat 11 buwan na lang ang nalalabi sa termino ni P-Noy, umaasa ang marami na maihahabol pa nito ang mga programang magsisilbing tatak ng kanyang administrasyon at mauukit sa kasaysayan ng bansa.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BAGAMAT

BUKOD

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAILANGANG

KAKAIBA

MALACA

MGA

P-NOY

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with