^

Punto Mo

‘Tangay sa isang pindot’

- Tony Calvento - Pang-masa

BUY 1 TAKE 1 mga katagang mapang-akit kaya’t kahit hindi mo kailangan ang isang binebenta ay bibilhan mo.

“Hi Sir Tony ako po si Karen Raquiza mula sa Cebu City. Isa po ako sa followers ninyo sa Facebook. Nahihiya po ako pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumulat sa inyo,” simula ng liham sa amin.

Kwento ni Karen Raquiza isang pares ng sapatos ang kanyang nagugustuhan at matagal nang gustong bilhin. Nakita niya sa Instagram ang account na may pangalang ‘Finestpairs’ na nagsasabing sila daw ay sale.

“Ang promo daw nila ay hanggang Hulyo 15, 2015. Inisip kong lehitimo ito dahil may nakalagay pa na ‘soon to be a DTI registered’ bilang online shop,” ayon kay Karen.

Kinopya ni Karen ang nakalagay na numero ng nagbebenta. Nag-message siya dito sa pama­magitan ng viber o isang aplikasyon na libre kang makakapagtext o makakatawag basta may internet lang. Nagkaroon sila ng pag-uusap tungkol sa sapatos na kanyang bibilhin at kung anong sukat. May hiningi sa kanyang ilang impormasyon kasama ang paraan ng pagbabayad. Ilan sa mga pagpipilian dito ay ang BDO, LBC, Cebuana o Western Union. May dalawang araw lamang siya upang ipa-reserve ang produktong kanyang napili. Binasa niya din ang mga kondisyon ng pagbili. Hindi na maaaring kanselahin ang napiling produkto.

“Nakalagay din dun na kapag ipina-reserve kinokonsidera na yun na nabili na,” sabi ni Karen.

‘Bogus buyers will be posted’ sabi pa ng Fine Pairs. May dalawang daan na kailangang bayaran si Karen bilang ‘shipping fee’. Nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig tungkol sa produktong bibilhin ni Karen dahil hindi siya makapagdesisyon kung ano ang bibilhin. Nang magkasundo sila nabanggit ni Karen na unang beses niya itong bibili online. Php1,700 ang kabuuang kailangang bayaran ni Karen.

“Nagbigay siya ng account number sa BDO sa pangalan ni Leonora B. Garcia. Magpadala din daw ako sa kanila ng litrato ng deposit slip,” kwento ni Karen.

Tinanong si Karen kung ihuhulog na lang niya ang bayad sa bangko ngunit sinabi niyang pag-iisipan niya muna at kung saan malapit ay dun siya magbaba­yad. Nagbigay ulit ng pagpapadalhan ang Fine Pairs sa pangalan ni Gilda B. Catiis na taga Gapan City kung ang pipiliin niya ay LBC o Cebuana. Nang makapagbayad si Karen sa BDO sinunod niya ang bilin ng Fine Pairs na magpadala siya ng litrato ng kapirasong papel na makakapagpatunay na nagbayad na nga siya.

“Nagtatrabaho ako sa bahay kaya hiniling ko sa kapatid ko na siya na ang magbayad ng Php1,700 sa BDO. Natakot akong ma-black listed,” wika ni Karen. Hindi mapakali si Karen kaya naman hinanap niya ang pangalan na ibinigay sa kanya kung magbabayad siya sa BDO sa ‘social networking site’. Wala siyang nahanap. Sinubukan niya naman ang isang pangalan.

“Sa Instagram nakita ko ang #GILDACATIIS at napag-alaman kong isa siyang bogus seller. May mga nabasa akong comments laban sa kanya doon,” salaysay ni Karen. Kahit na alam na ni Karen ang ganitong mga komento na pekeng nagbebenta ang kanyang nabilhan ay kinausap niya pa din ito ng maayos. Tinanong niya ang Fine Pairs kung kailan mapapadala ang sapatos na kanyang binili. Pangako sa kanya Hulyo 18, 2015 daw kaya’t naghintay si Karen sa pagbabakasakali na dumating ang produkto sa kanya.

“May binanggit siyang courier. Sabi ko kapag natanggap ko na ang sapatos at maganda ang kalidad baka may bilhin pa ako ulit,” wika ni Karen. Sabi niya sa text na may kaibigan siyang gustong bumili sa kanila ngunit gusto munang makita kung maganda ba ang produkto na dadating.

“Sayang di sila nakaabot sa promo,” sagot ng Fine Pairs.

Pagdating ng petsa na ipinangako ng Fine Pairs ay nagpadala ulit ng mensahe si Karen sa mga ito. Nung tanungin na niya ang tracking number ay hindi na ito sumagot sa kanya. Naghintay ng sagot si Karen ngunit wala siyang natanggap. Ilang araw ang nakalipas wala na ang viber account ng kanyang kausap. Taga Cebu siya at ang kausap niya ay taga Luzon.

“Ayos lang sa akin kung hindi maisauli sa akin ang pera basta ang matigil lang ang taong ito at mapagbayaran niya ang kanyang ginagawa para hindi na siya makapambiktima pa ng iba,” pahayag ni Karen. Alam niya daw na marami na itong nabiktima na gustong magreklamo. Nakakuha din siya ng ilang impormasyon tungkol sa kanyang kausap mula sa nabiktima din nito sa Instagram. Ang tunay na pangalan nito ay Niña Rose Batungbakal Catiis. Ginagamit niya ang pangalan ng kanyang ina na si Gilda Batungbakal Catiis at Leonora Batungbakal Garcia na kanya namang tiyahin. Nakatira daw ito sa Bulacan. Marami na din itong ginawang account sa Instagram para ma­gamit sa panloloko.

“Ang modus niya kapag nakapagbayad ka na iba-block ka niya at hindi na magrereply. Papalitan niya ang pangalan na gamit sa Instagram para sa panibagong mabibiktima,” ayon kay Karen.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maraming nagbebenta ngayon online dahil patok ito. Titingnan mo lang ang litrato at kapag nagustuhan mo magbabayad ka at darating na ito sa ‘yo.

Kung makakakalap si Karen ng maraming naloko ng taong ito maaari nila itong kasuhan ng ‘Estafa’ o ‘Large Scale Swindling’. Gamit niya ang pangalan ng kanyang ina at tiyahin kaya’t hindi malabong alam ng mga ito ang kanyang mga ginagawa.

I-eendorso naming siya sa Anti Fraud Division ng National Bureau of Investigation upang asistehan sila sa isasampang kaso at maimbestigahan itong mabuti.

Maging babala din ito sa ating mga kababayan na mas mabuti pa ding mamili sa mall o yung kaliwaan ang bayaran para hindi na tayo maloko ng mga taong mapagsamantala.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854 at sa gustong makausap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-­iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

FINE PAIRS

KANYANG

KAREN

LEFT

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with