^

Punto Mo

Aso, sumama sa grupo ng racing team, natapos ang isa sa pinakamahirap na karera sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2014 ay isang team mula sa Sweden ang sumali sa Adventure Racing World Cham­pionship – isang 430-milyang karera sa Ecuador. Hindi biro ang karera na para lamang sa mga mahihilig sa extreme sports dahil kailangan ng mga kalahok na magbisikleta, mag-kayak, at mag-hike sa isang napakasukal na kagubatan.

Nasa huling bahagi na ng karera ang Swedish team nang matagpuan nila ang isang asong pagala-gala habang sila ay nagpapahinga at kumakain ng tanghalian sa gitna ng kagubatan. Takang-taka sila sa kanilang natagpuang aso dahil hindi sila makapaniwalang nagawa nitong maka-survive sa isang masukal at mapanganib na lugar na katulad ng kagubatang kanilang kinaroroonan.

Sugatan at gutom na gutom ang aso na pinangalanan nilang Arthur kaya binigyan nila ito ng kinakain nilang meatballs. Simula noon ay sinundan na sila ng aso kahit saan man sila pumunta.

Hindi ininda ng aso ang pagi­ging sugatan nito dahil hindi ito pumayag na magpaiwan sa Swedish team kahit noong lumusong pa sila sa putik. Hindi rin sila iniwan ng aso habang naghihintay ng medical aid ang isa sa kanilang miyembro dahil sa tinamo nitong injury. Sinubukan nilang iwanan ang aso dahil kailangan na nilang magbangka para tawirin ang ilog. Nagpaalam na sila dito ngunit lumusong pa rin ito sa tubig at lumangoy kasabay ng kanilang bangka upang hindi nila maiwan.

Naawa na ang mga kalahok mula sa Sweden kaya isinakay na nila ito sa kanilang maliit na bangka kahit na siguradong matatalo sila dahil babagal ang kanilang pagtawid sa ilog.

Nang matapos na ang karera ay kinupkop na ng mga miyembro ng team si Arthur na dinala na nila sa Sweden. Hindi pa rin makapaniwala ang lahat dahil nagawang makatagal ng aso sa napakahirap na karera sa kabila ng masamang kondisyon nito.

vuukle comment

ACIRC

ADVENTURE RACING WORLD CHAM

ANG

ASO

DAHIL

HINDI

KANILANG

NAAWA

NAGPAALAM

NANG

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with