^

Punto Mo

EDITORYAL – Huwag nang pag-aksayahan ang Sangguniang Kabataan

Pang-masa

SA kabila na wala namang naidudulot na maganda sa mga kabataan ang Sangguniang Kabataan (SK), pilit pa rin itong pinagkakaabalahan ng pamahalaan. Kahit noon pa ay wala namang naidudulot na kapaki-pakinabang, pilit pa ring pinag-aaksayahan ng panahon.

Gusto ni Pres. Noynoy Aquino na ituloy ang SK at magkaroon ng eleksiyon kahit ilang beses nang na-postpone. Nilagdaan ng Presidente noong Miyerkules ang Republic Act 10656 na nagpo-postpone sa SK election­ at sa halip itatakda ito sa Oktubre 2016, ka­sabay ng barangay elections. Una nang itinakda ang SK elections noong Oktubre 28, 2014 pero sinuspende ito at muling tinakda ng Peb. 21, 2015 para raw maisaayos ang sistema nito. Pero muli itong sinuspende.

Hindi na dapat pag-aksayahan ng oras ang SK. Sa halip mag-election, buwagin na lamang ito. Bukod sa mahaharap ang iba pang mahahalagang bagay kaysa rito, makakatipid pa ang gobyerno.

Wala namang pakinabang sa SK kaya dapat lamang itong buwagin. Dapat tapusin na ang pamamayagpag ng mga nagiging SK chairman na anak din naman ng barangay chairman. Maraming barangay chairman na inihahalili sa puwesto ang kanilang anak na SK chairman kapag sila’y nagretiro na sa barangay. Maraming barangay sa buong bansa na ang namamayagpag ay ang ama at anak. Ang ama o ina ang barangay chairman at ang kanyang anak ang SK chairman. Pinakyaw na nila.

Nawala na ang talagang layunin ng SK at hindi na nagagampanan ang tungkulin para sa mga kabataan. Masahol pa, maagang namumulat sa katiwalian ang mga lider ng SK.

May mga SK chairman na hindi alam ang kanilang gawain. Ang nangyayari, nasasanay sa katiwalian ang mga SK chairman sapagkat ito ang nakikita nila sa barangay chairman. Marunong na silang magpatong sa mga proyekto sa barangay. Alam na nila kung paano kikita nang malaki at may maibubulsa sa mga ginagawang proyekto.

Huwag nang pagtuunan ng pansin ang SK. Buwagin­ na ito sapagkat walang pakinabang.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BARANGAY

CHAIRMAN

MARAMING

MGA

NOYNOY AQUINO

OKTUBRE

REPUBLIC ACT

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with