^

Punto Mo

Hindi pa handa sa divorce

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

LUMITAW sa isang survey na mas nakakarami raw ngayon ang sumasang-ayon sa diborsiyo o ang mabilis na pamamaraan ng legal na paghihiwalay ng mag-asawa.

Ayon sa survey, aabot sa mahigit sa 60 porsiyento ng mga tinanong sa 1,200 respondents ang pabor na isabatas na ang divorce sa bansa.

Sa ngayon, tanging ang Pilipinas at Vatican City ang wala pang divorce law.

Bagamat hindi ko kinukuwestiyon ang sistema ng survey, naniniwala ako na malabo pang makapasa bilang batas ang divorce law dahil mas marami pa ring Pilipino ang naniniwalang sagrado pa rin ang kasal.

Nakasaad kasi sa Bibliya na hindi maaaring paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos tulad sa mag-asawa na legal na naikasal batay sa batas na umiiral sa bansa.

Kung lahat ng Pilipino ang tatanungin, asahan lalo na ang mga senior citizen na mga debotong may relihiyon ay tiyak na tututol ang mga ito sa diborsiyo.

Pero maaring maging pabor dito ang mga kabataan lalo na ang sanay sa modernong pamumuhay.

Sapat na ang annulment na umiiral sa bansa na talagang mahirap at mahaba ang proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa dahil layunin nitong ma-discourage ang paghihiwalay.

Sa ibang bansa kasi, ilang araw pa lamang naikakasal ay maaari nang magdiborsiyo na para bang nawala na ang sagrado ng kasal.

Gayunman kung talagang maraming pabor sa diborsiyo, hayaan natin na ito ay lumutang at makisama sa gagawing mga pagdinig sa Kongreso para sa panukalang batas.

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

BIBLIYA

DIYOS

GAYUNMAN

KONGRESO

NAKASAAD

PILIPINO

VATICAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with