^

Punto Mo

EDITORYAL – Nakatagong kampo ng MILF

Pang-masa

NAKUKUWESTIYON ang sensiridad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pakikipag-usap sa gobyerno. Talaga bang ang hangad nila ay kapayapaan sa Mindanao o nais nilang magsarili? Talaga bang gusto nilang matapos na ang napakatagal na bakbakan sa Mindanao o lalo lang naghahangad ng kaguluhan?

Pagkatapos nang madugong enkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos na naging dahilan nang pagkaudlot ng pagtalakay sa Bang­samoro Basic Law, mayroon pa ngayong lumulutang na usapin ukol sa ginagawang expansion ng MILF sa mga lugar na hindi nila teritoryo. Ayon sa report, nadiskubre sa Iligan City kamakailan ang training camp ng MILF. Ang training camp ay kumpleto sa pagsasanay para sa mga sundalo. May mga Bukod sa pagkakatuklas sa kampo, napag-alaman din na nagre-recruit umano ang MILF ng mga tao o mga kalalakihan para sa kanilang armed forces.

Ang pagtatayo ng training camp ay isang pag­labag sa peace agreement na nilagdaan ng MILF at gobyerno. Nagpapakita lamang na hindi pinaha­halagahan ang pinag-usapan ng dalawang panig. Bakit kailangang magkaroon ng training camp gayung kung maaaprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ay magkakaroon naman sila ng sariling hukbo. Ano ang dahilan at may patago pang pagtatayo ng mga kampo?

Nakitaan ng kawalang tiwala ang tiwala ng MILF dahil sa nangyari sa Mamasapano at ngayon ay nadagdagan pa dahil sa mga nadiskubreng kampo. Kung tunay ang pakikipag-usap, hindi dapat gawin ang mga paglabag sa pinagkasunduan.

Ang mga nangyayaring ito ay lalo lamang nagpapalubog sa BBL para hindi maipasa. Pawang negatibo ang nakikita at pinalulubha pa ng kawalan ng tiwala sa isa’t isa.

vuukle comment

BANGSAMORO BASIC LAW

BASIC LAW

ILIGAN CITY

MAMASAPANO

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SPECIAL ACTION FORCE

TALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with