^

Punto Mo

Modus-modus yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PARAMI nang parami ang nagkalat na mga namamalimos at namamasko sa mga lansangan partikular sa Metro Manila.

Nakakatakot dahil kung saan –saan na lamang sumusulpot ang mga ito na talagang panganib sa daan.

Nand’yan yung mga nagdadamit na parang Badjao na may karga pang mga maliliit na bata na ginagawang ‘front’ sa kanilang panghihingi.

Kahit umuulan bitbit ang mga sanggol na hindi inaalintana na mabasa man o magkasakit ang mga ito.

Ang siste , marami sa mga ito ang nagsusuot o nagdadamit lamang na parang Badjao, pero hindi naman.

Galing pa sa ibat-ibang lalawigan ang marami sa mga ito, at ito ang kanilang modus sa tuwing sasapit ang Disyembre.

Bukod dyan, nandyan din ang maliliit na bata na nangangaroling at bigla na lamang sumasabit sa mga pampasaherong jeep.

Naku po, nakakatakot tignan kung paano humahabol ang mga ito sa umaandar na sasakyan at kapag nakapanghingi na ay biglang lulundag.

Nandyan din ang kumakatok sa mga bintana ng mga pribadong sasakyan na hindi umaalis kahit patakbo na ang sasakyan.

Malamang na maipit pa ito ng 2 behikulo.

Aksidente sa lansangan ang ipinupunto natin dito.

Marami sa mga ito ay modus­ sa mga lansangan.

Pinagkakakitaan ang ganitong buwan, may ilan gamit ang mga paslit na siyang binibilad nila sa panganib sa lansangan kumita lamang.

Dapat makita ito ng mga awtoridad.

Mahirap na kailangan pa bang  may magbuwis ng buhay saka lamang kikilos at sasawatain o wawalisin ang mga ito sa mga pangunahing lansangan.

Dapat ngayon pa lang umaksyon na sa mga ito, para walang pagsisihan sa huli.

vuukle comment

AKSIDENTE

BADJAO

BUKOD

DAPAT

DISYEMBRE

KAHIT

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with