^

Punto Mo

Pergalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nasakote ng pulis-Maynila ang operator ng shabu tiangge sa kanto ng Malaya Ext. at Nepa St., sa Balut, Tondo na si Edwin German sa Del Pan noong nakaraang linggo. Nakuhaan si German ng limang bulto ng shabu at baril, anang kosa ko. Imbes na sa karsel ang bagsak, aba pinakawalan si German matapos makapaglagak ng P150,000. Nabukulan na naman si MPD director Chief Supt. Rolando Nana.

• • • • • •

Kung ang mga pergalan ni Tessie Rosales sa Batangas ay hindi magalaw-galaw ng pulisya dahil kumare niya si Gov. Vilma Santos, ganun din sa San Pablo City sa Laguna dahil kumpare niya si Mayor Silvestre Amante. Walang magawa ang hepe ng pulisya sa San Pablo City kundi kunsintihin ang mga pergalan ni Tessie na matatagpuan sa sementeryo ng siyudad at ang puesto-piho malapit sa Jollibee sa takot na baka ma-relieve siya. Kung sabagay, hindi lang sina Ate Vi at Mayor Amante ang pamato ni Tessie dahil bukambibig din niya sina Cris Ibon at alyas Jupiter na umaalalay sa kanya sa media. Kung kumpleto-rekado na ang sindikato ni Tessie dyan sa Calabarzon area sino na lang kaya ang may bayag na babangga sa kanya? Ano sa tingin mo Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian Sir? Hehehe! Kelan kaya ipanganganak ang pulis na babangga sa pergalan ni Tessie? Baka sa pagputi ng uwak!

Sa probinsiya ni Ate Vi, ang kinokolektahan ni PO3 Antolin “Jhong” Valero, ang bagman ni Sr. Supt. Jireh Omega Fidel, ang PD ng Batangas ay itong mga puwesto nina Tessie sa Batangas City;  Tessie din na malapit sa munispyo ng Mataas na Kahoy; Francia sa Bangcoro, Taal; Thess sa Payapa, Lemery; Twinkle sa Coral na Monte Agoncillo; Francia uli sa Subic Agoncillo; Tess Korea sa Bgy. Bugtong sa Tulo ng Taal; Eric sa Tangway, Lipa City; Tessie sa San Carlos, Lipa at sa Inikbulan ng Bauan; Irish sa Boso-boso ng Laurel; Alice sa Gulod ng Laurel; Rolly sa Mujon, San Jose; Tina sa Mainaga, sa Bauan Ivy ng Sabang sa Lipa City; Tessie sa Mataas na Kahoy sa Batangas City; Tessie sa paradahan ng Dagatan; Baby Panganiban sa Nasugbo;  Baby  uli sa Tanauan City; Yolly sa Bgy. Bugtong sa Lipa City; Arnel sa Calaca; Olive sa Lobo Foundation; at Tessie sa Bgy. San Carlos sa Rosario. Hehehe! Namumutakti pala ang pergalan sa probinsiya ni Ate Vi. Sino kaya ang nakikinabang dito? Tanong lang po Sen. Ralph Recto Sir!

Sa Cavite naman, ang puwesto ni Tessie Gen. Gatchalian Sir ay matatagpuan sa palengke ng Silang; kay Jessica naman ang sa Salitran at sa stoplight sa Dasmariñas, kay Baby P. sa GMA at kay Sonny Atienza sa Naic.

Lumapag na rin ang pergalan ni Tessie sa area ni Sr. Supt. Florendo Saligao ang Laguna PD. Mukhang hindi nakatiis itong si Saligao at nakisawsaw na rin sa illegal gambling. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Bueno, hinahamon natin si Saligao na ipasara niya ang mga pergalan ni Tessie sa Bgy. San Lucas 1; Bgy. San Anton; Bgy. Paseo de Escudero sa likod ng Jollibee; Bgy. Sta. Isabel, Sementeryo Luma; Mall 3 mesa; Bgy. San Francisco; Bgy. Concepcion, at Bgy. Kalian, lahat sa San Pablo City. Sa Bgy. Palao sa Calamba City ang ke Mely; ke Tessie pa din sa Pacita sa San Pedro. Puno na kaya ang bulsa ni Saligao?

Kaya naman nagbukasan na itong mga pergalan sa Calabarzon ay dahil hindi na nambubulabog ang Office of Internal Security (OIS) ni Supt. Johnny Ormi? Anyare? Hehehe! Pera-pera lang ‘yan! Subalit kung napasara ang pergalan sa Cubao, Quezon City bakit hindi maipasara ang sa Calabarzon? Abangan!

vuukle comment

ATE VI

BATANGAS CITY

BGY

CALABARZON

CITY

LIPA CITY

SAN

SAN PABLO CITY

TESSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with