^

Punto Mo

EDITORYAL - Isa-isa lang para may kahinatnan

Pang-masa

SA Oktubre 30 umano ang sunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee ukol sa umano’y corruption na inaakusa kay Vice President Jejomar Binay. Ang subcommittee ay pinamumunuan nina Senators Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano. Napakasipag ng dalawang senador sa pagbulatlat ng mga umano’y itinatago ni Binay. Ang nakapagtataka, sa sobrang sipag ng dalawa ay wala pang natatapos kahit isa. Ilang buwan nang pinag-uusapan ang kaso ni Binay subalit wala pang nararating ang pag-iimbestiga. Hindi kaya tulad din ito ng mga nakaraang imbestigasyon sa Senado na puro umpisa at walang kinahantungan.

Unang sumabog ang akusasyon kay Binay sa umano’y overpriced na Makati building na ginawa noong siya pa ang mayor. Katiwalian ang inaakusa kay Binay sapagkat ang halaga ng parking building ay P2.3 billion. Ayon sa mga nag-aakusa, ang halaga lamang ng building ay P1.2 billion. Nagkaroon ng pag-inspeksiyon sa parking building at sabi, hindi raw ito mamahaling building. Maraming inimbitang experts sa planning, architecture, engineering at ang sabi masyado raw mahal ang building.

Pero naputol ang imbestigasyon sa parking buil-ding nang may pasabugin si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ukol kay Binay. Siya raw ang nagdedeliber ng pera kay Binay na nakalagay sa tatlong bag. Galing umano sa mga contractor ang pera.

Pero naputol uli ang tungkol sa tatlong bag ng pera at napunta naman sa umano’y ari-arian ni Binay sa Rosario, Batangas. Lumutang ang umano’y  “Hacienda Binay” na may sukat na 150-ektarya. May mga piggery na airconditioned, orchid farm, zoo na ang mga hayop ay kinabibilangan ng mga kabayo at kambing. Noong Biyernes, binisita ni Trillanes at media ang lupain na pag-aari umano ni Binay sa Batangas.

Sa “Hacienda Binay” na naka-pokus ngayon ang pag-iimbestiga nina Trillanes at Cayetano lalo’t lumutang ang businessman na si Antonio Tiu na may-ari raw ng hacienda.

May matapos kaya sa imbestigasyong ito? Hindi kaya pawang umpisa lang ito. Bakit hindi muna tapusin ang isyu sa Makati parking building at saka harapin ang iba pa. Huwag lukso nang lukso!

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TIU

BATANGAS

BINAY

BUILDING

HACIENDA BINAY

MAKATI

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with