^

Punto Mo

Sen. Trillanes, maging responsible ka!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NANININDIGAN si Sen. Antonio Trillanes IV na makatotohanan ang kanyang natanggap na report sa planong kudeta sa Aquino adminis­tration.

Ayon sa senador, mga retiradong heneral na kaalyado ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ang nagbabalak na magkudeta at nagre-recruit na raw ng mga sundalo.

Mismong si Muntinlupa congressman Rodolfo Biazon, chairman ng House Committee on National Defense ay nagulat sa ibinunyag ni Trillanes. Ayon kay Biazon walang katotohanan at “kuryente” ang report ng senador.

May nagsasabing kathang isip lang ni Trillanes ang kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon. Mas naniniwala ako kay Biazon dahil retiradong heneral at malalim ang koneksiyon sa AFP.

May nakausap akong mga aktibong opisyal ng AFP na hindi raw malalim  ang koneksiyon ni Trillanes sa AFP dahil junior officer pa lang ito ay agad nag-aklas matapos pangunahan ang 2003 Oakwood mutiny.

Bilang responsableng mambabatas, dapat siniyasat muna niya ito kung talagang may katotohanan bago magsalita sa media. Hindi biro ang epekto ng balitang kudeta dahil nagbigay ito ng agam-agam sa mga negosyante maging local at dayuhan at mga nagpaplanong maglagak pa ng puhunan sa bansa na maaring makadiskaril sa ekonomiya.

At kung nais lang naman ni Trillanes ng publicity kaya nagpapakulo ng nasabing balitang kudeta, negatibo ang pagtanggap ng publiko.

Sa halip na sumikat ay napulaan pa si Trillanes. Nagpapasikat siya at gustong gumawa ng pangalan dahil ambisyong maging bise presidente.

Sana ay maging responsableng mamamayan at opisyal ng gobyerno si Trillanes. Hindi siya basta naglalabas ng mga impormasyon na hindi pa beripikado dahil maaring lumikha ito ng pangamba sa maraming sektor.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

AQUINO

AYON

BIAZON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE COMMITTEE

NATIONAL DEFENSE

RODOLFO BIAZON

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with