^

Punto Mo

‘Kapit sa may Sabit…!’

- Tony Calvento - Pang-masa

AMORSEKO… kumakapit kahit di mo dalhin… suma­sabit na di mo napapansin. Kapag nakita mo, tatanggalin at basta na lamang iiwan sa isang tabi. “Ibinigay ko sa kanya ang lahat-lahat. Puso ang ginamit ko sa sobrang pagmamahal sa kanya. Ayokong mawala siya sa akin”, ani Kara. Taong 2003 nagkakilala sina Amante Andres, 41 taong gulang at ang babaeng nagpatago na lamang sa pangalang Kara, 36 anyos sa kumpanyang Goodyear Philippines, Inc. sa Alabang, Zapote Road, Las Piñas. Naging magkarelasyon sina Amante at Kara pagkalipas ng apat na buwan na panliligaw. Kwento ni Kara, si Amante ang ikalawang kasintahan niya, 25-anyos siya noon at si Amante naman ay 30-anyos. Wika ni Kara, “Nagustuhan ko siya dahil maalalahanin siya”. Araw-araw pa siyang dinadalhan ng almusal nitong si Amante kaya naman at tuluyan nang nahulog ang loob niya. Dagdag pa niya, lagi siyang nireregaluhan ni Amante ng tsokolate, bulaklak at ‘teddy bear’. Hindi maikakaila na sa edad nilang iyon ay para silang batang na kinikilig sa isa’t isa. Isang gabi nang ihatid ni Amante sa Kara sa kanyang bahay, niyaya niya muna itong mag-kape. Makalipas ang ilang minutong pagkukuwentuhan, umakyat si Kara sa kanyang kwarto. Sinundan siya ni Amante at hinayaan niya itong makapasok.

Nang unti-unting lumalapit si Amante kay Kara, malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Alam na niya ang gustong mangyari ni Amante. Sa edad na 25 ay walang karanasan sa seks si Kara. Kaya naman nagtatalo ang isip niya kung ibibigay ba niya ang sarili. Dahan-dahan hiniga ni Amante si Kara sa kanyang kama. Isa-isa nitong tinanggal ang mga butones ng kanyang damit. Hinubad din niya ang paldang suot ni Kara at marahang ibinaba ang panty nito. Hinubad din ni Amante ang kanyang t-shirt, isinunod ang pagtanggal ng pantalon at hinuli ang briefs. Kapwa na sila ngayon walang saplot. Sinimulan nang halikan si Kara sa labi pababa sa kanyang leeg. Unti-unti nang gumagapang ang kamay ni Amante sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Maya-maya pa’y pumatong na ito sa kanya at ibinuka ang kanyang mga hita. Halos mapasigaw si Kara nang ma­­ram­­damang nakapasok na sa kanya si Amante. Hinayaan lang ni Kara si Amante sa lahat ng gustong gawin nito. Nang matapos ito napayakap ng mahigpit si Kara sa kanya.  Kinabukasan, gulung-gulo si Kara at at tinanong sa sarili kung tama ba ang nangyari sa kanila. Lahat ng pag-aalala niya ay nawala nang tawagan siya ni Amante at patuloy pa rin ang pagiging ma­alalahanin nito.

Naging madali nang ibigay ni Kara ang sarili sa mga sumunod nilang pagtatalik ng kasintahan. Nagpatuloy ang kanilang relasyon at umabot ng isang taon. Makalipas ng ilang buwan ay umamin si Amante na siya ay may asawa na. Gumuho ang mundo ni Kara sa katotohanang iyon ngunit sa sobrang pagmamahal niya rito, tinuloy nila ang kanilang bawal na relasyon.

“Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Nagbulag-bulagan ako sa lahat dahil sobrang mahal na mahal ko siya,” dagdag pa ni Christine. Makalipas ng 3 taong relasyon, nagkaroon ng dalawang lalaking anak si Kara kay Amante. Ang panganay ay walong taong gulang at ang bunso naman ay anim na taong gulang. Taong 2007 nang magtrabaho si Amante sa Australia, sa Moranbah Discount Tires, Inc., sa 23 Bacon St. Moranbah Queensland sa Auto-mechanic department. Nagpapadala naman itong si Amante buwan-buwan ng P5,000. Napakaliit na halaga kung iisipin para sa dalawang bata. At nitong nakaraang Oktubre 2012, hindi na nagbigay ng sustento si Amante. Sinusubukan siyang kausapin ni Kara ngunit wala rin nangyari. Nang umuwi ng Pilipinas si Amante, nangako itong patuloy na magsusustento. Kondisyon ni Kara, kung hindi pipirma si Amante sa kasunduang ginawa niya ay sasampahan niya ito ng kaso. Hindi pa rin ito nagbigay ng sustento sa mga sumunod na buwan, kaya tinuloy ni Kara ang pagsampa nang kasong Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children, under Section 2-B Economic Abuse, noong ika-3 ng Disyembre 2012 sa Bacoor Region Trial Court Branch 89. Napatunayang natanggap ni Amante ang subpoena dahil pumirma ito, Nagsimula na ang hearing noong ika-16 ng Enero 2013, at hindi ito sumipot. Lumipas ang tatlong pagdinig at ’di nagpakita si Amante sa korte. Nagkaroon ng resolusyon nung ika-28 ng Pebrero 2013 at nilabas ng RTC Bacoor Branch 89 na pirmado ni Prosecutor Vivian-Monzon Rajo ang Warrant of Arrest ni Amante at may bail na nagkakahalaga ng P24k. Kasalukuyang nasa Australia si Amante kaya pansamantalang maisasantabi ang kanyang kaso (archived).

Ito ang dahilan ng pagpunta sa amin ni Kara. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang ‘HUSTISYA PARA SA LAHAT’ ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00 PM at Sabado 11:00-12:00 NN)

DITO SA AMIN SA CALVENTO FILES, sino tayo para husgahan si Kara kung hinayaan niyang ipagpatuloy ang bawal na relasyon kay Amante. Alam kong balde-balde na ang iniluha niya sa ginawa niyang pagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa lalakeng may sabit na.

Ang masakit ay ang dalawang batang naging resulta nitong bawal na pag-ibig ay labas na sa mga ka­salanang nagawa nila.

Mas lalong ipinagbabawal, mas lalo silang nasarapan. Sa huli, lahat ng bawal ay may katapat na pananagutan na kailangan nilang harapin.

Ang pagtakbo sa responsibilidad ay hindi kailanman magiging sukatan ng pagkatao ninuman. Lalong-lalo na ng pagkalalaki dahil mada­ling maging isang ama ang mahirap ay ang maging magulang sa kanila.

Pinayuhan namin siya na hili­ngin sa taga-usig na makapaghain ng ‘Petition for the Issuance of Hold Departure Order’ (HDO).

Kapag nakakuha na siya nito ay bigyan niya ng kopya ang Bureau of Immigration and Deportation, Commissioner, Sigfried Mison sakalaing umuwi itong Amante hindi na siya makalalabas ng bansa. (KINALAP NI HAZELYN FRIAS)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal mag­punta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.face­book.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ALAM

AMANTE

KANYANG

KARA

MAKALIPAS

NANG

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with