^

Punto Mo

Aso sa Brazil, naghahanap ng pagkain para ibigay sa kapwa hayop

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lamang pala tao ang marunong magkawanggawa, marunong din ang aso. Katulad ng isang aso sa Brazil na nagmamalasakit sa kapwa nito mga hayop.

Ang aso, isang askal ay nagngangalang Lilica. Ang kakaibang ugali ng aso ay nasaksihan mismo ng gurong si Lucia. Palaging nagbibigay ng pagkain si Lucia kay Lilica.

Nagsimula ang pagbi­bigay ng pagkain ni Lucia kay Lilica nang nakita niya itong pagala-gala at naghahanap ng makakain. Ibinigay niya rito ang dala niyang pagkain na nasa supot. Agad namang kinuha ito ng aso at dali-daling tumakbo lumayo.

Naulit pa ang pagbigay niya ng pagkain sa aso. At nagtaka si Lucia kung bakit pagka­bigay niya ng pagkain ay agad tumatakbo papalayo si Lilica. Kaya isang araw, makaraan niyang bigyan ng pagkain ang aso, sinundan niya ito. Gusto niyang malaman kung saan nito dinadala ang mga pagkain na kanyang ibinibigay.

Nalaman ni Lucia na nakatira pala si Lilica sa isang junkyard na may anim na kilometro ang layo sa lugar kung saan lagi niya itong nakikita na nagha­hanap ng pagkain.

Pero ang labis na nakapagpamangha kay Lucia ay nang makita niya sa lungga ni Lilica ang iba’t ibang uri ng hayop na nakikinabang sa dala nitong pagkain. Nakita niya ang mga tuta ni Lilica, ilang pusa, manok, at isang bisiro na nakikihati sa dalang pagkain ng aso.

Napag-alaman ni Lucia sa mga nakatira malapit sa lungga ni Lilica na sadyang palakaibigan ang aso sa mga kapwa hayop.

Mabilis na kumalat sa Internet ang kuwento ni Lilica. Marami ang naantig ang puso sa ipinakitang pagmamalasakit ng aso sa kanyang kapwa hayop.

vuukle comment

ASO

IBINIGAY

KATULAD

KAYA

LILICA

LUCIA

MABILIS

NIYA

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with