^

Punto Mo

SC, dapat isapubliko ang SALN

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAKAPAGTATAKA kung bakit ibinasura ng Supreme Court ang kahilingan ng BIR na makakuha ng kopya ng SALN ng Justices.

Sa inilabas na resolus­yon ng SC noong Hulyo 17, tinanggihan nito ang hiling ni BIR commissioner Kim Henares na makakuha ng kopya ng SALN ng justices. Ikinatwiran ng SC na wala raw sapat na basehan ang kahilingan ng BIR.

Sa isyu ng DAP, nirerespeto ko ang SC sa kanilang desisyon pero sa usaping ito sa kanilang SALN ay hindi ko sinasang-ayunan. Dapat maging halimbawa ang justices ng SC sa paglalabas ng kanilang SALN sa ngalan ng transparency. Para maalis ang mga pagdududa sa umano’y posibleng tagong yaman ng justices.

Wala akong nakikitang masama kung maglabas ng kopya ng SALN ang justices ng SC. Ito ay upang maipakita sa publiko na wala silang itinatagong yaman. Kung anuman ang kanilang pag-aari ay mapatunayan na galing sa tama. Pinaka-importante ay kung nagbabayad sila ng tamang buwis.

Kung ang Presidente ng bansa, ang Senate President at Speaker of the House ay naglalabas ng kanilang SALN, bakit hindi puwede ang justices ng SC?

Mas makasasama pa nga sa imahe ng SC ang pagtanggi ng justices na maglabas ng kopya ng kanilang SALN dahil baka isipin ng mamamayan ay mayroon silang itinatagong yaman  o baka hindi nagbabayad ng buwis.

Sana nagbago ang isip ng SC justices at ilabas ang kanilang SALN. Hindi nila puwedeng ikatwiran na baka magresulta ng harassment kung maisapubliko ang SALN.

vuukle comment

DAPAT

HULYO

JUSTICES

KANILANG

KIM HENARES

SALN

SENATE PRESIDENT

SPEAKER OF THE HOUSE

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with