^

Punto Mo

Halaman na kumakain ng metal, nadiskubre sa pilipinas

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong uri ng halaman ang natuklasan sa Pilipinas kamakailan — kumakain ito ng mga metal! Karaniwan kasing umiiwas sa mga bakal o mineral sa lupa ang mga puno at halaman dahil nakakalason ito para sa kanila. Kaya kakaiba ang bagong tuklas na punong Rinorea Niccolifera dahil sinisipsip nito ang bakal na nakahalo sa lupa.

Ang halaman ay na­tuklasan ng isang grupo ng mga siyentista mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna. Ang Rinorea Niccolifera  ay isang maliit na puno na karaniwang umaabot lamang sa taas na 1.8 na metro. Ito ay natatagpuan sa mga gubat ng Zambales at sa iba pang gubat sa kanlurang bahagi ng Luzon. Napag-alaman na isanlibong beses  itong mas malakas humigop ng mineral na nickel mula sa lupa kaysa sa ibang halaman.

Ayon sa mga siyentista, hindi na nakakapagtaka na sa mga kagubatan sa kanlurang bahagi ng Luzon natatagpuan ang kakaibang puno dahil ang lupa sa gubat na iyon ay hitik sa mga mala-bakal na mineral na katulad ng nickel.

Ang China, India, at Brazil ay nagtatanim na ng maramihan ng mga halamang katulad ng punong katutuklas lang sa Pilipinas. Dahil kasi sa dami ng sinisipsip na mineral ng Rinorea Niccolifera, puwedeng sa dahon at sa ugat nila mismo kumuha ng mga mineral na tulad ng nickel.

Puwede ring gamitin ang Rinorea Niccolifera sa pagsipsip ng mga nakakalasong mineral na itinapon sa mga tambakan upang ang lupa ay hindi na maging nakakalason sa mga halaman at maari na uling tamnan.

vuukle comment

ANG CHINA

ANG RINOREA NICCOLIFERA

AYON

LOS BA

LUZON

PILIPINAS

RINOREA NICCOLIFERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with