^

Punto Mo

Editoryal - Tulong sa mga sinalanta ni Pablo, madaliin pa

Pang-masa

HANGGANG ngayon, dalawang linggo na ang nakararaan mula nang manalasa ang bagyong Pablo sa mga probinsiya sa Mindanao at Visayas, marami pa rin ang hindi nakakatikim ng tulong. Marami pa rin ang hindi nahahatiran ng pagkain at tubig. Karamihan sa mga nagugutom ay nasa mga bayan sa Davao Oriental at Compostela Valley. Ang mga nabanggit na lugar ang grabeng hinagupit ni Pablo.

Kahapon, desperado na ang marami at hindi mapigil sa pagdaluhong kapag may dumating na relief goods. Inirereklamo din naman nila na mabagal ang pagdating ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mas nauunahan pa ang DSWD ng mga grupo mula sa pribadong sector kagaya ng mga nasa media industry. Sabi naman ng DSWD, ginagawa nila ang lahat nang paraan para madala ang lahat nang kailangan ng mga evacuees. Nagtatayo na rin umano ng mga pansamantalang tirahan ng mga nasalanta. Hindi raw sila nagpapabaya.

Kalunus-lunos ang tanawin sa tatlong bayan sa  Davao Oriental --- Cateel, Baganga at Boston na grabeng winasak ng bagyo. Lahat ng mga bahay ay nawasak. Lahat nang tanim ay natumba. Maraming troso ang nakahambalang sa mga kalsada. Maraming tulay ang nawasak. Ang kalsada ay punumpuno ng putik at ang nakapanghihilakbot na tanawin ay ang mga taong galit na galit dahil wala pa raw dumara-ting na tulong mula sa gobyerno. May mga umiiyak sapagkat inaalala nila ang mga anak na nagugutom. May mga taong hinaharang na ang mga motorista para makahingi ng tulong o limos.

Sa New Bataan, Compostela Valley ay mas matindi ang nararanasang gutom sapagkat ang mga truck na nagdadala ng relief goods ay hinaharang na ng mga residente. Sa takot ng mga drayber ng truck, hindi na sila tumutuloy sapagkat maaaring dumugin at pagkaguluhan ng mga tao. Inihahagis na lamang nila ang mga naka-plastic na relief goods na kinabibila-ngan ng isang kilong bigas, isang supot na noodles at tatlong pirasong tuyo.

Ayon sa DSWD, maraming dumarating na tulong sa ibang bansa. Kung ganoon, dapat pang pabilisin ang pagkilos. Kailangang maihatid sa mga nasalanta ang mga pangunahing kailangan lalo ang pagkain. Madaliin sana ang pagpapadala ng tulong. Kawawa ang mga nasalanta lalo ang mga bata na ang karamihan ay nagkakasakit na.

vuukle comment

AYON

BAGANGA

CATEEL

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LAHAT

MARAMING

SA NEW BATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with