^

PSN Showbiz

Fans ni JC natuwa sa hiwalayan nila ng gf!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Fans ni JC natuwa sa hiwalayan nila ng gf!

JC

Sa halip na maging malungkot ang fans ni JC Santos sa naging paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend of four years, natabunan ang lungkot ng saya dahil sa magagandang feedback na tinatanggap niya para sa pelikula nila ni Ryza Cenon na Mr. & Mrs. Cruz.

Mas napaganda ang pelikula dahil kinunan ito sa Palawan kung saan ay mas nagawang kabilib-bilib ng dalawa ang kanilang roles.

Parang makakalimutan na ng manonood na taken na ang aktres at may masayang lovelife. Nakumbinse ni JC na ideal silang romantic tandem.

Gerald ayaw madaliin si Bea

Hindi na tinanong ni Boy Abunda ang tunay na estado ng relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo na magkasamang ipinagdiwang ang Pasko sa isang biyahe sa US. Hindi lang naman silang dalawa ang umalis, kasama nila ang family ni Gerald at ilang friends.

Parang tinanggap na ng lahat na sila na ngang dalawa bagaman at sinabi ng aktor na wala pa sa agenda nila ang pagpapakasal. Marami pa raw silang gustong gawin ni Bea sa kanilang mga per­sonal na buhay at maging sa kanilang pag-aartista bago sila mag-asawa.

Sayang at hindi kasama sa interview si Bea para nalaman sana kung aprub siya sa mga sinabi ng nobyo niya.

Ruru imbestigador na

Si Ruru Madrid ang bida sa pinakabagong investigative series ng GMA na ang titulo ay kuha sa pangalan ng isang popular at mahusay na private detective na mula sa mga kuwento ng British author na si Sir Conan Doyle. Naisalin na ito sa pelikula at ang pinakahuling gumanap dito ay si Robert Downey, Jr.  

Isa ring imbestigador ang role ni Ruru sa Sherlock, Jr. Siya si Sherlock “Jack” Jackson, Jr., isang mapagmahal na anak, kapatid, at nobyo. Mahilig din siyang mag-imbestiga ng mga misteryo. Pero kung ang banyagang si Sherlock Holmes ay may kapartner na si Dr. Watson, isang asong retriever naman ang kasa-kasama at sparring partner ni Sherlock, Jr,. sa paglutas niya ng mga misteryo. Siya si Siri, aso ng nobya ng imbestigador na si Irene (Janine Gutierrez) na naiwan sa kandili ni Jack nang misteryosong may nangyari kay Irene at sa kaibigan niyang si Lily (Gabbi Garcia). Iimbestigahan ni Jack ang pagkawala ng nobya, at sa proseso ay magkakaibigan sila ni Lily.

Kasama rin sa Sherlock, Jr., sina AiAi delas Alas, Tonton Gutierrez, Andre Paras, Roi Vinzon, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda, Matt Evans, Kate Valdez, Alyana Asistio, at Sofia Pablo. Direktor nito si Rechie del Carmen.

Mapapanood ang grand premiere nito sa January 27 pagkatapos ng 24 Oras.

Bida sa grand presscon ng Sherlock, Jr. ang asong Serena pala ang pangalan at nickname lamang ang Siri na nagpamalas ng maraming talento kasama na ang paghahanap sa mga bagay na itinago sa kanya, pero nakita’t nakuha niya sa kanilang pinagtaguan.

Abra inaabangan kung papalarin sa Netherlands

Baka palarin at manalo ng acting award ang rapper na si Abra para sa pelikula niyang Respeto na kasali sa 27th International Film Festival Rotterdam (IFFR) na magaganap sa Rotterdam, Netherlands mula January 24 hanggang Feruary 4, 2018. Naging isa sa mga movie na nag-compete sa Cinemalaya Film Festival ang Respeto na tungkol sa isang kabataang nangangarap ma­ging isang rapper.

May apat pang pelikulang Pinoy ang kasali sa competition -- Neo Manila ni Mikhael Red, Dapol tan Payawar na Tayug 1931 (The Ashes and Ghosts of Tayug 1931) ni Christopher Guzom, Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko, at Nervous Translation ni Shireen Seno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with