^

PSN Showbiz

Talent Manager gusto pa ring basagin ang TV tuwing makikita ang aktor na manloloko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala, kahit ilang dekada na ang nakararaan, ay gusto pa ring basagin ng isang kilalang manager ang kanyang TV set kapag nakikita ang kanyang dating alaga na walang utang na loob.

Marami nang naganap sa buhay ng guwapong male personality, nakapag-asawa na siya at may mga anak na sila ng isang aktres ngayon, pero hindi pa rin basta-basta makalimutan ng manager ang ginawa ng aktor sa kanya.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang from zero talaga, walang-wala ang male personality, pero ginawa ng manager ang lahat-lahat para siya makilala. Personality development ang umpisa.

“Dinala siya sa dentist ng manager, pinaalagaan ang kutis niya, ipinasok siya sa de primerang gym para lumaki ang bulto ng katawan niya. Ang manager din ang gumastos sa lahat-lahat ng mga pangangailangan niya.

“Ikinuha siya ng apartment, kinumpleto ang mga appliances sa tirahan niya, buhay-senorito ang male personality sa poder ng mabait niyang manager,” kuwento ng impormante.

May kailangang-kailangan ang male personality na walang ibang tumulong sa kanya kundi ang pobreng manager din. Pinaturuan siyang magsalita ng sarili nating wika para makasabay siya sa kultura ng ating bayan at hindi siya maibenta dahil sa kawalan ng alam sa Pilipinas.

“May kahinaan ang ulo niya hindi dahil sa bobo siya, kundi tamad ang male personality. Mahirap siyang makasunod sa mga itinuturo sa kanya, kaya hindi siya madaling maikuha ng work, namimili siya ng role.

“Heto na. Isang gabi, habang nanonood ng TV ang manager, e, may napanood siyang TVC ng alaga niya. Nakakaloka! Hindi siya natutulog sa pansitan, niloko siya ng alaga niya, nagpaalam ang male personality na magpupunta sa probinsiya para dalawin ang mga relatives niya.

“’Yun pala, e, may isinu-shoot nang commercial si ____(pangalan ng guwapong lalaking personalidad), ibang manager ang nakipagtransaksiyon para sa kanya, hindi ang original manager niya na talagang napakalaki ng naitulong sa kanya!

“Ayaw na ng gulo ng manager niya, pinalampas na lang ang kalokahan niya, pero binitiwan na siya ng manager na siyang nagbayo at nagsaing, pero iba ang nakinabang at kumain.

“Hanggang ngayon, syunga pa ring mag-Tagalog ang male personality, kaguwapuhan lang ang puhunan niya, ang wife niya ang nagdadala ng kanilang pamilya. Hindi boto sa kanya ang family ng girl dahil may katamaran siya.

“Naku, napakadaling hulaan kung sino ang male personality na ito, ang apelyido niya, e, brand ng isang sasakyan na naging kontrobersiyhal sa merkado,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angelica hinarap na ang katotohanan

Kung para sa iba ay hindi maganda ang ginagawang pagpapatambis ni Angelica Panganiban kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, para naman sa ilang doktor na nakausap namin ay maganda ang kanyang ginagawa, bahagi raw ‘yun ng pagsulong mula sa isang mapait na nakaraan.

Palaging sinasabi na kapag gusto na nating makawala-makalimot sa isang karanasang nagpabagsak sa ating emosyon ay makatutulong ang pakikipag-usap sa mga kaibigan. Kasama na nu’n ang pakikinig sa magandang musika, pagbibiyahe, ang palaging pagpunta sa lugar na nakapagpapaalala sa masakit na nakaraan para matutuhan nating harapin ang katotohanan.

“What Angelica is doing right now is but right. Instead of talking to herself in the mirror, it’s better to have communication with friends. Malaki ang maitutulong nu’n sa kanya.

“Without necessarily mentioning the name of that person who hurt her, maganda ang pagkukuwento sa mga kaibigan, mas mabilis ang pagmu-move-on kapag ganu’n dahil hindi niya iniipon sa loob niya ang masakit niyang nakaraan.

“Masama ang ganu’n, our heart can only hold so much pain, kailangang pinagagaan ang kalooban, kaya malaking tulong para sa kanya ang pagkukuwento even on the air.

“If you notice, ‘yung hugot na tinatawag sa showbiz, e, magaan na ngayon. Pinagtatawanan na nga lang niya ang nangyari sa kanila ni John Lloyd, meaning, nandu’n na siya sa last step—acceptance,” komento ng kaibigan naming doktor.

Gusto lang linawin ni Angelica Panganiban na hindi siya ipinagpalit, inahas siya, may nang-anaconda sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with