^

PSN Showbiz

Mga bisita sa kasal ng Kapuso actor sa non-showbiz GF binawalang mag-picture!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tanggap na ni Claire dela Fuente na hindi na raw sila puwedeng sumabay sa mga millennial singer dahil iba na rin naman ang paraan ng pagbenta ng albums ngayon.

Huling nag-record daw siya ng album ay noon pang 2006 at tingin niya ay hindi pa niya masusundan ito dahil meron na nga­yong Spotify o iTunes na hindi gamay ng fans niya.

Ani Claire, “Let’s face it ang mga fans naming hindi ganun ka-techie. Kaya hindi ganun ka-effective sa amin ‘yang mga Spotify ‘yang ganyan, kasi ang mga millennials siyempre mga millennials din ang kinukuha nila.

“Napunta kami sa era na nahiwalay na talaga eh. Ang nakakatuwa ang mga fans na hanggang ngayon, nandiyan.”

Kaya sa mga live show o concert na raw siya career dahil suportado naman ito ng fans niya.

Kagaya ng Valentine concert nilang Timeless OPM kasama sina Rey Valera, Imelda Papin, at Rico J. Puno. Nanriyan pa rin daw ang fans nila na talagang bumibili ng tickets para panoorin sila.

Sa February 14 ang Timeless OPM na gagawin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Okay na raw kahit wala muna siyang nagagawang album.

“What is there to prove ‘di ba? Ang dami na naming naibigay sa kanila,” sabi pa ni Claire.

PAK: May naganap palang kasalan kahapon ng hapon pero mahigpit talagang ipinagbilin na walang magpu-post o magbalita nito.

Nasa imbitasyon nito ang pasa­bi na walang kukuha ng pictures lalo na’t may magpu-post sa social media. Nagtataka naman daw ang mga imbitadong guests kung bakit gusto itong isikreto ng mga ikakasal.

Kahit ang aming source na nakadalo sa naturang selebrasyon ay ayaw niya talagang sabihin sa amin kung sino ito dahil pinagbilinan siyang huwag na huwag ibalita.

As of presstime, wala pa ring nakakalusot na balita sa amin kung sino nga ang ikinasal kahapon.                 

Ang nakuha lang namin, Kapuso actor daw ito at non-showbiz ang girl na pinakasalan.

BOOM: Bukas na ang showing ng pelikulang Mr. and Mrs. Cruz ng Viva Films na pinagbibidahan nina JC Santos at Ryza Cenon.

Muling pinatunanyan ni JC ang galing niya sa pag-arte at delicious din siya sa pelikulang ito, lalo na sa eksenang may butt exposure.

Naghubad na rin si JC noon sa ilang indie films na nagawa niya, pero si­yempre iba na ang dating dito sa Mr. and Mrs. Cruz dahil sikat na siya.

Seksihan din si Ryza na ang laki ng ipinagbago kung ikukumpara sa kontrabida role niya sa Ika-6 na Utos. Ibang-iba nga itong pelikula ni direk Sigrid Andrea Bernardo kung ikukumpara sa blockbus­ter hit niyang Kita Kita.

Ibang-iba ito dahil punung-puno ng hugot lalo na sa mga taong dumadaan sa moving on ng isang relasyon.

“Feeling ko lahat ng mga tao may kanya-kanyang hugot sa buhay. Hindi lang natin na-articulate,” pakli ni direk Sigrid.

Marami nga ang nagsasabing si direk Sigrid na ang isa sa puwedeng sumunod sa yapak ni direk Cathy Garcia-Molina na magri-retire na raw pagkatapos ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sabi naman ni direk Sigrid, mahirap daw na isunod siya sa ibang direktor dahil lahat sila ay may kanya-kanyang style sa pagdidirek.

Dagdag pa niyang pahayag, “Sa tingin ko hindi ako makakasunod sa yapak niya, kasi siya na ‘yun eh. Cathy Garcia-Molina na siya, and I can never be Cathy Garcia-Molina. Iba ‘yung sa akin.”

As of now, walang balak si direk Sigrid na magdirek ng isang soap ope­ra dahil magkakasunod daw ang offer sa kanya na movies na ididirek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with