^

PSN Showbiz

Relasyon nina Kim at Xian ayaw nang kalkalin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Relasyon  nina Kim at Xian  ayaw nang kalkalin

Wala nang gaanong interesado kung may relasyon o wala ang rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Napagod na rin siguro ang iba sa kata­tanong na may kinalaman sa toto­ong estado ng kanilang relasyon na pa­rating bitin ang kanilang sagot.

Sina Kim at Xian ay sa iba’t ibang bahagi ng Europe nagpalipas ng Christmas holidays at hindi naman siguro gagastos ng ganun si Xian kung hindi espesyal ang kanilang relasyon ni Kim.

Changing partners natabunan ng isyu sa never not…

May mga nagsabi na hindi raw dapat nag-comment si Direk Dan Villegas, director ng upcoming award-winning musical movie na Changing Partners na may kinalaman sa gripe ng kanyang girlfriend at kapwa writer-director na si Antoinette Jadaone sa pagkaka-pack-up ng pelikulang idinidirek nito sa Viva Films na Never Not Love You na lead stars sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa halip daw na ang Changing Partners na tinatampukan nina Agot Isidro, Jojit Lorenzo, Anna Luna, at Sandino Martin ang pag-usapan ay mas pinag-usapan pa ang pagkaka-pack-up ng movie nina James at Nadine.

Ang Changing Partners na naging kalahok sa 2017 Cinema One Originals Film Festival ay matutunghayan na sa mga sinehan simula sa darating na Enero 31 under Star Cinema.

Pokwang may paliwanag kay Malia!

Ipinaliwanag ng singer-comedienne na si Pokwang (Marietta Subong in real life) kung bakit Malia Francine ang ipinangalan sa first baby nila ng kanyang American live-in partner na si Lee O’Brian. 

Hindi umano ito hango sa pangalan ng character ni Kathryn Bernardo sa primetime TV series na La Luna Sangre kung hindi ito’y mula sa pinagsamang pangalan ng first name ng mother ni Lee na si Marlyn at Gloria sa ina ni Pokwang. Ganun din ang magiging palayaw sa pinagsamang pangalan nina Pokwang (Marietta) at Lee.

Ganunpaman, hindi issue kina Pokwang at Lee kung sabihin ng iba na ang pangalan ng kanilang baby ay hango sa pangalan ng character ni Kathryn dahil sobra raw silang nagagandahan sa panga­lang Malia dahil kakaiba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with