^

PSN Showbiz

‘Kung ano ang nakikita nila sa amin ni Kim ‘yun na yun’ – Xian

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
�Kung ano ang nakikita nila sa amin  ni Kim �yun na yun� � Xian

Xian at Kim

Si Xian Lim na naman ang napisil para maging boses ni Paddington for the second time.

Yup, siya uli ang magbo-boses sa pelikulang Paddington 2, ang Britain’s most lovable literary bear.

Last 2015 nang una niyang ipahiram ang boses sa sikat na bear. “I was very happy that they chose  me again for Paddington 2. Siyempre it was a surprise for me kasi I didn’t expect nga na magkakaroon ng second part,” sabi ng actor sa presscon the other night, “But I’m very grateful na ako ‘yung napili to play the part. It just made me so proud to be part of the project,” dagdag niya.

Bagama’t hindi na siya baguhan sa dubbing, mas na-enjoy niya this time ang kanyang bagong career. “Since it’s my first animation na di-nub, the experience was so much different, ‘yung, like what I said kanina it was a lot of fun kasi nga you got to play around, I got to play around with the emotions.”

Kuwento niya pa, mas na-enjoy niya ang latest edition ng movie dahil sa mas maraming skits and  jokes kesa sa nauna. “Kasi parang dun pa lang nagpakilala si Paddington. Sa 2nd part, it’s more katatawanan na talaga, pure comedy, and yung comedy niya ay very Filipino kaya mas maraming makaka-appreciate.

Pero na-realize niya na sobrang nakakapagod pala ang maging voice talent.  “I think ang pinaka-mahirap siguro is yung conversing your voice kasi may parts na sinisigaw, may mga part na tumatawa. Parang dapat i-converse para matapos ‘yung buong film nang buo ang boses mo,” banggit niya pa.

Dahil sa nasimulan na niya at pinupuri siya, hoping ang aktor na magkakaroon pa siya ng chance na makapag-dub ng ibang character sa abroad.

“Oo naman. Doing projects abroad it’s a plus, it’s like having another feather on my cap, parang ganun,” sabi pa niya na hoping na tatangkilikin ng Pinoy au­dience ang Paddington 2 na para sa buong pamilya. 
Starring sa movie sina Hugh Grant, Hugh Bonne­ville, Sally Hawkins and Xian (voice of Paddington for Philippine release at palabas sa mga sinehan beginning January 31).

Samantala, nakatapos na si Xian ng movie with Coleen Garcia and Nathalie Hart. Pero ayaw pa niyang banggitin ang title at concept ng movie. Pero panggulat daw ito. Soon na ito mapapanood sagot ng aktor.

“It’s a love story.”

Hindi naman daring?

 “Meron pa-sorpresa ang Star Cinema so hinintayin ko muna yung sasabihin nila.”

Eh kumusta naman sila ni Kim (Chiu)? Eh ano ba talagang status ng relasyon nila?

“Wala, hindi namin pinag-uusapan ‘yan. Hindi kasi kami masyadong makuwento.

Kumbaga kung ano ‘yung nakikita nila, ‘yun na yun. Mas masaya ‘yung ganun,” paliwanag ng aktor.

Bukod sa bonding nila, anong naging highlights ng trip nila sa Europe last Christmas?

“Ang dami naming pinuntahan, ang dami naming nakita.”

Pagdating sa project, wala pang naka-line na magkasama sila ni Kim.

Jadine at Direk Antoinette nagharap na!

Nahawakan na ni James Reid ang kanyang Best Southeast Asia Act Award thropy galing sa 2017 MTV Europe Music Awards.

Matagal-tagal din daw na-excite si James na makuha ang nasabing trophy na validation ng kanyang pagiging artist.

Mabibigat na singer mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ni James pero siya ang nakakuha ng pinaka-maraming boto.

Anyway, ang cute ni James sa pa-sample ni Direk Joyce Bernal na sino-shooting nilang pelikula Miss Granny (20 Again) na bida sila ni Sarah Geronimo. Ang galing sa maiksing video pa lang. Ang lakas ng kilig nila. May pagka-rakista ang role ni James.

Samantala, kagabi nagharap-harap sina Direk Antionette Jadaone and James and Nadine.

Magkakaalaman kung mapa-plantsa ang pelikulang Never Not Love You na pinagsimulan ng misunderstanding ng magkabilang kampo.

Naunang nag-emote si Direk Antoinette sa social media sa naudlot na shooting nila dahil umano’y nagpasabi si Nadine na may sakit pero nakita raw sa gimikan sila ni James. Pero inilabas ni Nadine ang ebidensiya ng kanyang sakit  - “Diarrhea, Fever, severe Back pain since last Friday. That’s all you need to know,” ang nakasulat sa x-ray copy ni Nadine.                                                                        

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with