^

PSN Showbiz

Direk Tonette hindi raw tumulad sa ugali ng mga beteranong direktor!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Direk Tonette hindi raw tumulad  sa ugali ng mga beteranong direktor!

Antoinete

Di marunong mag-protekta ng mga artista

Malaki ang tampo kay Antoinette Jadaone ng fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa mga emote niya sa kanyang blog tungkol sa na-pack up na shooting ng pelikula na ginagawa nila, ang Never Not Love You.

Ang feeling ng fans, ang lady director ang gumawa ng isyu at pinagmulan ng intriga dahil pinili niya na mag-emote sa  blog kesa sabihin sa mga bossing ng Viva Films ang kanyang mga concern.

Ang depensa ng JaDine fans, totoo naman na may sakit si Nadine kaya hindi ito nakasipot sa shooting noong weekend. Ang sabi ng isang insider, nagkaroon si Nadine ng viral infection na usong-uso ngayon dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Hindi naiwasan ng loyal fans ng JaDine na i-compare si Antoinette sa mga veteran director na sina Joel Lamangan, Chito Roño at Laurice Guillen na marunong magprotekta sa kanilang mga artista at hindi nagsusumbong sa public kapag may mga internal problem sa mga pelikula na ginagawa nila.

Korina hindi puwedeng ikumpara kay Xander

Non-invasive ang thermage procedure na ginawa ni Dra. Vicki Belo kay Korina Sanchez. Ang ibig sabihin, walang operasyon na nangyari kaya lumiit ang mukha at mga braso ni Mama Koring kaya unfair na ikumpara siya sa isang Xander Ford na total overhaul ang ginawa sa mukha.

May mga tao kasi na kaligayahan na ang mang-inis ng kapwa kaya nilalagyan nila ng koneksyon si Mama Ko­ring kay Xander.

True na ang show ni Mama Koring na Rated K ang nag-grand reveal sa bagong itsura ni Xander na pinag-usapan pero ibang-iba ang mga procedure na ginawa sa kanila.

Sure naman ako na hindi affected si Mama Koring sa mga pang-iintriga sa kanya dahil sa controversial billboards niya sa EDSA. Ang importante, mas marami ang pumupuri kesa nami­mintas sa gandang hindi inakala ni Mama Koring.

Malakas ang impact ng transformation niya, courtesy of Dra. Vicki Belo, dahil talagang talk of the town ang misis ni Mar Roxas.

Sarah G pinagpipiyestahan ang transformation sa Miss Granny

Kung bongga ang transformation ni Mama Koring, bongga rin ang transformation ni Sarah Geronimo sa bagong movie project niya sa Viva Films, ang Philippine adaptation ng Korean blockbuster movie na Miss Granny.

New look si Sarah sa Miss Granny dahil medyo naging singkit ang kanyang mga mata at short ang hair niya na iba sa mga nakakatawa na wig na ipinagamit sa favorite singer/actress ko sa mga nakaraan na romantic comedy movies niya.

Inilabas ng Viva Films ang short clip ng behind the scenes ng Miss Granny na nagpa-excite sa fans nina Sarah at James Reid.

Si James ang gumaganap na apo ni Sarah sa pelikula pero mapagkakamalan sila na magsyota dahil bagets na bagets nga ang itsura ni Sarah.

At sa mga nagsasabi na hindi busy si James, maling-mali ang mga paninira n’yo sa kanya dahil naglalagare siya sa shooting ng dala­wang pelikula, ang Miss Granny at ang Never Not Love You.

Kapag walang shooting para sa mga pelikula na ginagawa niya, ang rehearsals para sa Revolution ang inaatupag ni James. Ang Revolution ang pre-Valentine concert nila ni Nadine sa Smart Araneta Coliseum sa February 9.

Isinisingit nina James at Nadine sa busy schedule nila ang mga television guesting para sa promo ng Revolution.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with