^

PSN Showbiz

Julia gustong magnegosyo ng para sa mga nanay!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Paghahanda sa pag-aasawa

Kung ang sinasabing relasyon nila ni Coco Martin ay hindi maamin-amin ni Julia Montes, lalong ayaw niyang ilagay sa kanyang kaisipan sa panahong ito ang pag-aasawa. Maraming goals pa ang magaling na aktres na gusto niyang mabigyan ng katuparan.

Ngayong 2018 wala sa prayoridad niya ang pag-aasawa. May negosyo siyang gustong pasukan na may kinalaman sa pagkain. Isa itong one stop shop na may kumpletos rekados para sa mga abalang ina ng tahanan. Balak din niyang ibiyahe ang kanyang pamilya kung kaya sabay-sabay silang nagpapaluwagan para sa pamasahe.

Kasama sa travel goals niya ang pagbisita sa kanyang ama sa ibang bansa. Hindi ito nakapunta rito nung Kapaskuhan kaya siya ang bibisita sa ama. Mukha namang umaayon sa kanyang plano ang kapalaran dahil marami siyang proyekto hindi lamang sa TV kung hindi maging sa pelikula.

Kakain ng marami niyang oras ang bago niyang seryeng Asintado kung saan ipinakikita siyang asintado sa baril. Wala siyang problema rito dahil dati na siyang nagpa-firing at kung may dapat pa siyang matutunan ay magpapaturo daw siya na gustong malaman ng lahat kung si Coco ito pero tinawanan lamang niya.

Angelica matatagalan pa bago tumikim uli ng lalaki?!

Sinabi naman ni Angelica Panganiban na sinusubukan niyang muling makipag-date sa iba kaya lang mukhang malaking sugat ang iniwan sa kanya nina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz kaya lubhang mapili siya ngayon sa kung sino ang gugustuhin niyang maka-date.

Kaya matatagalan pa ang pagiging single niya. Pagda­ting naman sa karera ay fulfilled na siya. Puwede na nga raw siyang magretiro having been paired with Judy Ann Santos sa kontrobersyal na pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan ay parehong beki ang mga asawa nila at magkarelasyon pa na ginagampanan nina Joross Gamboa at JC de Vera. Mapapanood na ang pelikula simula nga­yong araw.

Vice pinepersonal na si Coco

Nag-aaway bang talaga sina Coco Martin at Vice Ganda dahil lang nagkatapat ang mga pelikula nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017? Huwag naman sana. At sana iwas-iwasan ni Vice ang pagsasalita ng hindi maganda para lang ipagmalaki ang pamamayani ng kanyang movie na Revenger Squad na hindi maganda ang dating sa mga nakalaban  niyang movies na kasama ang Panday ni Coco.

Marami ang itinuturing na foul ‘yung pagsasabi ni Vice na mas malaki ang kinita ng movie niya kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach kaysa last 2016 na si Coco ang kasama niya sa Super Parental Guardians. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with